Mga wanted sa 19 PA killers

ORA MISMO - Butch M. Quejada () - November 29, 2011 - 12:00am

SAYANG ang P10 million reward sa 'mad dog' na si Commander Ameril Umbra katok este mali Kato pala.

Si Kato, ang lider ng breakaway group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sayang kung natigok lamang ito sa sakit tiyak makakawala ang P10 million reward money.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si katok este mali Kato pala ay may standing warrant of arrest because of the 80 case of multiple murder ng atakihin nito ang North Cotabato last Agosto 2008.

Kung totoo ang napabalita dedbol na si Kato magpalakpakan at maglundagan tayo.

Sabi nga, hurrah, hurrah, hurrah!

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinaglaruan lamang nila Kato ang militar dahil hindi siya nahuli o nakita sa kanyang lungga.

Sabi nga, mahina at nagpabaya ang intel networking ng AFP.

Ganito rin ang nangyari sa 19 soldiers ng Philippine Army na inambush the other month sa Basilan.

Nasaan na ang mga pumatay?

Asan?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natabunan na ang isyu tungkol sa 19 soldiers ng Army kaya naman parang balewala na sa AFP na hanapin ang mga salarin.

Bakit kaya?

Hindi sila nababatikos sa ngayon dahil sa ibang direction patungo si P. Noy at mga top brass sa AFP.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Gloria naubos ang panahon ng gobierno ng Philippines my Philippines.

'Paano ang mga namatay na sundalo?'

'Ayon nakalibing na sila'

'Paano na ang kanilang mga pamilya?'

'Pinangakuan yata?' sabi ng kuwagong may war shock.

'Sapat na ba ito para manahimik ang militar sa nangyari sa kanilang mga kasamahan?' Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ano na ang nangyari sa mga pumatay?

Tiyak nagtatago o itinago para pumatay ulit ng mga AFP.

Abangan.

Yosi kadiri, tigilan na

PARA matakot ang mga kabataan 'smoker' kailangan malaman nila ang tunay na panganib sa kalusugan kaya pinamamadali ni Kasangga party-list Rep. Ted Haresco ang mga kongresista na bilisan at huwag pakaang-kaang para mapasa ang batas na isinulong nito sa Kamara.

Isa sa malaking problema ng madlang people sa Philippines my Philippines susunod sa kahirapan ay ang kalusugan siempre huwag na muna natin isama ang kuryente at gasolina. Hehehe!

Sabi ni Rep. Haresco, kailangan obligahin ang mga 'YOSI' companies sa paglalagay sa mga pakete ng mga sigarilyo ng larawan na nagbababala sa masamang epekto nito sa kalusugan.

Sabi nga, lagyan ng mga nakakatakot na litrato para matakot din ang mga 'yosi kadiri' na humithit ng mga cigarette.

Banat ni Haresco, ang Picture-Based Health Warning Act ay magiging epektibong sandata para mamulat ang madlang people sa Philippines my Philippines sa masamang epekto ng pag-tsongki este mali paghitit ng sigarilyo sa kalusugan nila.

Ang picture-based warning label ay binubuo ng 'picture' na nagbababala sa peligro sa kalusugan at iba pang problemang kaugnay ng pag-yosi.

Sabi nga, kasama rito ang teksto ng babala.

Kailangan mga nakakarimarim ang mga litrato na ilalagay sa mga kaha ng cigarette na bad effect sa kanilang health kung patuloy sila sa pag-hithit nito.

Sabi nga, iba't ibang klase ng 'CANCER' ang makukuha sa sigarilyo!

Sa ganitong paraan ay thinking twice ang yosi kadiri.

Sabi nga, tiyak iyon !

'Paano matutulungan ang madlang public na malaman ang mga malulubhang sakit na idinudulot ng pag-yosi kadiri?'

'Kapag nakikita nila ang nakakasukang o nakakarimarim na picture  ng panganib nito sa kalusugan sa bawat  kaha ng mga yosi.' Sagot ng kuwagong may lung cancer.

'Siguro kapag nailagay ang mga litrato ng mga matinding sakit na makukuha sa yosi matatakot na sila kaya malamang tumigil ang mga ito. '

Abangan.

ABANGAN BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS COMMANDER AMERIL UMBRA HARESCO KATO NORTH COTABATO PAANO SABI YOSI
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with