^

PSN Opinyon

QCPD Station 5

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGSAWA sa kasusumbong ang mga nagrereklamong madlang people na biktima ng akyat-bahay dyan sa Kyusi.

Bakit?

Inutil ang ‘foolish cops’ sa Quezon City Police Station No. 5 bunga ng magkakasunod na insidente ng nakawan sa Maligaya Subdivision, Fairview, Novaliches, Quezon City.

Sabi nga, walang pakialam!

Ayon sa isang residente na asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  mistulang mga uod este mali ‘tuod’ pala at alaws ginagawa ang mga foolish cop kahit na isinusumbong nila ang nangyayari sa kanilang place.

Ika nga, pakaang-kaang!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  na ang robbery incident ay nangyayari sa kanilang lugar “every other day”, at  pare-pareho ang istilo o pamamaraan ng mga suspect sa pamamagitan ng pagtatali sa lahat ng taong maaabutan sa loob ng haybol saka lilimasin at tatangayin ang mga salapi, alahas at mahahalagang gamit.

Kaya naman gabamba este nangangamba pala ang mga residente na mas lalo pang magiging marahas ang grupo ng pinaniniwalaang “Akyat Bahay” gang dahilan na rin sa hindi pagtugon sa reklamo ng mga biktima

Nagdududa tuloy ang ilang residente na may kaugnayan ang ‘foolish cops’ sa mga magnanakaw kung kaya’t kahit na anong sumbong at reklamo ang kanilang iparating ay hindi kumikilos ang mga awtoridad para malutas ang krimen laban sa ari-arian ng mga mamamayan. 

Palakasin ang power ng CHR

VERY IMPORTANT nang mapalakas ang powers ng Commission on Human Rights para higit itong maging effective sa pagbabantay ng mga karapatang-pantao sa Philippines my Philippines.

Sa kuento ni Davao City Representative Karlo Alexi B. Nograles sa mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala ang una na malaking bagay ang pagrespeto sa karapatang pantao para sa pag-unlad ng isang bansa.

Si Nograles, ang Vice Chairman ng Human Rights Committee sa Kamara.

Sa panukala ni Nograles, mabibig­yan ng linaw ang istruktura ng organi­sas­yon ng Komisyon gayundin ang naangkop na ranggo at kuwalipikasyon ng mga opisyal na mamumuno rito.

Nais din ng kongresista na magkaroon ng termino ang chairman at  mga  miyembro ng CHR upang maiwasang maitalaga lamang ng iisang Presidente ng bansa.

Bahagi pa ng panukala ni Nograles ang paglikha ng Nomination Committee upang masiguro ang transparency sa pagpili ng mga opisyal ng CHR na ibabatay sa kanilang integridad, kakayahan at independensya.

Gusto rin nito na magawaran ng buong awtonomiya ang Komisyon sa layong matiyak na nagagampanan nito ang tungkuling nasasalig sa Saligang Batas.

Ikinatuwa ni Nograles ang ginawang pag-endorso ni Speaker Feliciano Belmonte Jr.,  sa kanyang isinusulong na House Bill 1141, bilang prayoridad na lehislasyon ng Kamara.

Maliban sa House Bill 1141, tinatrabaho na rin sa iba’t ibang mga komite sa Mababang Kapulungan ang iba pang panukalang may kaugnayan sa human rights promotion and protection kabilang na ang pagtatag ng mga human rights center sa Philippines my Philippines para matakbuhan ng mga nabibiktima ng paglabag o naaagrabyado.

Maging ang mga panukalang batas para sa pag-amyenda sa Magna Carta for disabled persons at Anti-Torture Act gayundin ang pagpapalakas ng mga karapatan sa malayang pagpapahayag, kilos-protesta at pagpetisyon o pagsangguni ng mga hinaing sa gobyerno, ay inaaksyunan na rin ng mga kongresista.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

ANTI-TORTURE ACT

DAVAO CITY REPRESENTATIVE KARLO ALEXI B

HOUSE BILL

HUMAN RIGHTS

KAMARA

KOMISYON

NOGRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with