Breakdown of peace and order

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. () - October 6, 2010 - 12:00am

ANO ang No. 1 na problema ng bansa na nais nating matugonan ni P-Noy? Ayon sa SWS at Pulse Asia surveys, ito’y kabuhayan at trabaho. Ano naman ang No. 1 problema ng iyong komunidad? Ang sagot diyan ay depende kung saan matatagpuan ang inyong komunidad. Kapag nasa Metro Manila, pihadong nasa taas ng listahan ang problema ng peace and order. Sa Lungsod ng Maynila, hindi ito nawawala sa No. 1 slot .

100 days nang nanunungkulan si P-Noy. Mas tahimik ba ang inyong mga kapaligiran? Mas kampante ba kayo kapag lumalabas ng bahay o ng inyong mga sasakyan? O kahit nasa loob ng inyong pamamahay – nangangamba ba kayo para sa inyong kaligtasan?

Mahirap mapanatag ang loob lalo na sa kaliwa’t kanang hindi mapigilang krimen sa ating bakuran. Mga walang muwang na turistang nabiktima sa Luneta; mga nag-hahandang maging abogadong nabomba sa Taft Avenue; naghihintay lang ng sakay sa Quezon Avenue, napagsamantalahan; teacher sa Kalookan, kesihodang World Teachers Day kahapon, pinatay ng istudyante. Metro Manila pa lang yan – hindi pa nabibilang dito ang pagpatay sa harap ng madla ng isang hukom sa Ilocos, ang pag-gahasa sa isang nurse sa Maguindanao at sa dalawang high school students sa Negros, ang epidemya ng nagkalat na nilaglag na fetus at ang hindi mabilang na pangingidnap, pagnanakaw at pagdroga. Sa kabila ng lahat ng ito ay ipinipilit pa rin ni PNP Chief Gen. Bacalzo na wala raw breakdown of peace and order.

Nung naproklama si P-Noy, naging panatag tayo na, sa wakas, magkakaroon ng reporma sa pamamalakad ng pamahalaan. Kabilang tayo sa naniwala na tapos na ang maligayang araw ng korapsyon. Ang hindi natin inasahan

 ay ang pagsabog ng kul-tura ng krimen nitong unang 100 araw na tila wala nang natatakot ngayon sa kamay ng batas. Ganito na ang impresyon nang marami – para bang biglang hinugot ang kumpiyansa ng taumbayan sa mga awtoridad.

Sa lahat ng ginawang tama ni P-Noy, sayang lang kapag wala itong kaantabay na peace and order dahil kritikal itong kondisyon sa anumang asenso o pagunlad ng ekonomiya. Anumang hakbang upang maibalik ang kumpiyansa ay dapat mag-umpisa sa pagtanggap ng katotohanan na mayroon nga tayong problema.

ANO ANUMANG CHIEF GEN METRO MANILA P-NOY PULSE ASIA QUEZON AVENUE SA LUNGSOD TAFT AVENUE WORLD TEACHERS DAY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with