^

PSN Opinyon

Tubig

K KA LANG? - Korina Sanchez -

TUBIG ang bukambibig ng ilang residente sa Metro Manila. At hindi baha ang pinag-uusapan kundi ang labis na kakulangan nito. Kabalintunaan nga na tag-ulan na, pero may mga lugar na patak lang ang lumalabas sa kanilang mga gripo. Nagsisimula na nga ang turuan at sisihan kung bakit may krisis sa tubig. Ayon naman sa Palasyo, wala naman daw krisis, at problema ng Maynilad lang dahil sa teritoryo nila may problema. Sa teritoryo ng Manila Water, sapat naman ang tubig para sa lahat.

Pero hindi rin dapat kampante ang Malacañang. Kung hindi krisis ang gustong itawag sa mga pumipila araw-araw para lang makaigib ng tubig, gumawa sila ng paraan para wala nang luminya sa mga tanker. May sapat na suplay pa para raw sa dalawang buwan, at inaasahan na sa panahong iyon, tuloy-tuloy na ang ulan. May kasabihan na maraming namamatay sa akala. Paano pala kung hindi rin bumagsak ang ulan sa Setyembre? Ano na ang solusyon kung ganun nga ang mangyari?

Napapaligiran ng dagat ang ating bansa. Panahon na para pag-aralan ang desalination, o ang pagtanggal ng alat sa tubig-dagat. Ganito ang ginagawa ng mga bansang kulang na kulang rin sa tubig katulad ng mga bansa sa Middle East. May mga malalaking planta sila para matanggal ang alat sa tubig-dagat. Kung may ganun lang tayo, wala nang problema sa suplay.

Kailangan ring aksyunan ang lahat ng mga tulo at tagas ng tubig mula sa mga tubong nanggagaling sa mga planta. Kitang-kita iyan sa mga kalye. Ayon sa Maynilad mismo, higit kalahati ng tubig na galing sa kanila ang natatapon lamang o nananakaw. Mga butas na tubo, ayusin kaagad. Mga nananakaw, madaling tukuyin iyan kung talagang seryoso. Kailangan lang ibaon ng mas malalalim ang mga tubo, tapos na ang problema.

Tubig talaga ang nagbibigay buhay sa lahat ng tao. Mga unang nagtayuang sibilisasyon ay palagi nasa tabi ng pagkukuhanan ng tubig lumalagay. Wala sa kamay natin ang tunay na solusyon, ang pagbuhos ng ulan. Dumaan ang buong bansa sa isang napakatinding tag-tuyot, na siyang tumuyo ng mga dam natin. Kailangan nating magdasal para sa ulan. Alam kong marami sa atin ang may pangamba rin sa malakas na ulan, pero ito ang tunay na solusyon. Solusyon na libre. Solusyon para sa lahat.

vuukle comment

AYON

KAILANGAN

MANILA WATER

MAYNILAD

METRO MANILA

MIDDLE EAST

PARA

SOLUSYON

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with