^

PSN Opinyon

Hindi raw madadaya ang sistema ng Smartmatic

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DUMALAW sa Cabuyao, Laguna ang mga mambabatas na miyembro ng kumite hinggil sa halalan at reporma sa pagboto, kung saan nakatago ang PCOS machines na ginamit noong Mayo 10. Nagbigay ng demonstrasyon ang mga opisyal ng Smartmatic-TIM sa mga mambabatas kung paano ginagamit ang PCOS at CF cards na nasa gitna ng kontrobersiya at duda ngayon, base sa mga reklamo ng mga natalong kandidato. Ginamit nila na parang may botohan, at sinubukan dayain sa pamamagitan ng pagsubo sa makina ng mga balotang ginamit na sa ibang presinto, mga pekeng balota at kung anu-ano pang maisip ng mga mambabatas. Pati ang CF cards ay binuksan, tiningnan ang laman, at kung paano mababasa ng mga makina sa Comelec ang digital na pirma ng bawat makina.

Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan De Oro, hindi raw posible ang mga sinasabing pandaraya na puwedeng gawin sa CF cards at PCOS machines. Hindi raw puwedeng doble ang pagpapadala ng mga resulta, at hindi rin daw puwede ang magpadala ng resulta nang mas maaga. Pati ang posibilidad na mga dinoktor na CF cards na may mga resultang inayos na ay pinabulaanan din ng Smartmatic. Ayon naman kay Rep. Teddy Boy Locsin, hindi na raw nila bibigyan ng oras ang mga nagrereklamo na sila’y dinaya. Maliban na lang siguro, sa tingin ko, kung may malalakas na ebidensiya silang maipapakita. Ang mahirap, sa ngayon ay wala.

At tulad nga ng sabi ko sa mga naunang sinulat ko, sila’y mga mambabatas. At tungkulin ng isang mambabatas ang ipatupad ang batas. Kung may mga lumapit at nag-alok ng pandaraya sa eleksyon, labag sa batas ito at dapat pinahuli o sinabihan kaagad ang mga opisyal ng Comelec. Sa ngayon, puro kuwento pa lang ang mga sinasabi. At masabi ko na rin, karamihan ng mga natalo ay sinasabi na sila’y malalakas sa kanilang mga lugar o balwarte, kaya nga sila nanalo tuwing eleksyon. Siguro ibig nilang sabihin, noong halalan ng 2004 at 2007. Ngayong lumalabas na malinis ang katatapos na halalan, na hindi madadaya ang sistema ng automation, at wala pang nahuhuling taga-Comelec umano na nag-alok ng pandaraya, bakit kaya natalo ang mga “malalakas” na kandidatong ito? Di kaya, noon lang sila malakas, noong mano-mano pa ang bilangan? Kayo na ang humusga.

vuukle comment

AYON

CABUYAO

CAGAYAN DE ORO

COMELEC

GINAMIT

PATI

RUFUS RODRIGUEZ

SMARTMATIC

TEDDY BOY LOCSIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with