^

PSN Opinyon

PNP Cyber Crime cops

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TAHIMIK na tinitiktikan ng grupo ng Philippines National Police Cyber Crime cops ang operasyon ng mga sindikato ng ‘online jueteng’ na nilalaro ngayon sa ilang lugar dyan sa Pasay City sa pakikipagsabwatan ng mga gagong taga - cityhall at mga burungoy kupitan siempre kasama ang ilang bugok na katulisan este mali kapulisan pala.

Inutusan ni Chief PNP Jesus Ame Verzosa, ang Cyber Crime cops special group para manmanan ang sinasabing ‘online jueteng’ operation.

Ang mga gagong magkakasama sa nasabing dayaan bolahan na mahirap tamaan ng mga sugarol dito sa Philippines my Philippines ay sina Atong at Wong ang dalawang Filipino-Chinese na ito ay ang mga bigtime operator ng mga sugalan ngayon kumakalat hindi lang sa Metro - Manila kundi maging sa mga provinces.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dalawang kamoteng ito ay malakas sa malakanin este mali Malacañang pala kaya naman kahit illegal ang mga pinasok na negosyo ay hindi sila masaling-saling ng mga cops on the block. Tama ba, DILG Seceratary Ronnie Puno, Your Honor?

Laganap ang jueteng operation ni Atong hindi lang sa Caga­ yan Valley kundi pati sa Camarines Norte ay namama­yagpag ito todits.

Walang gustong maglakas loob na tirahin si Atong dahil sa masiado itong maimpluwensiya ngayon sa administrasyon ni Prez Gloria Macapagal Arroyo kung bakit iyan sila-sila lang ang makakapagsabi.

Kamakailan ay bumilib ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kapal este mali tapang pala ni PNP-CIDG bossing ‘kastoy’ Castaneda dahil tinira nito ang mga kubradores at kabo ni Atong sa kabikulan ang siste nga lang ng dalhin sa presinto ang mga pobreng alindahaw ay na pina-release ito agad ng korte for further investigation.

Bakit kaya?

 Siempre mga kamote sila-sila lang ang nakakaalam ng pangyayari.

 Ang mga ahente ni kasoy este mali Kastoy pala ay halos ma­ wa­lan ng gana dahil sa takbo ng pangyayari.

Sabi nga, iba ang may kinakapitan.

Si Atong naman ay nagtatawa lang sa pangyayari kasi daw alam naman na may blessing siya sa Malacañang ay tinitira pa daw ito. Tama ba ito, DILG Sec. Puno?

Balik isyu regarding sa ‘online jueteng.’  

Mahirap mahuli sabi nila ang operasyon ng ‘online jueteng’ dahil isang pindot lamang daw ng off botton ng computer na ginagamit ng mga manlalaro ay alaws ng ebidensiyang makikita.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahirap din manalo sa ‘online jueteng’ dahil kontrolado ng mga financer ang takbo ng kanilang negosyo.

Mas masahol pa ang dayaan sa ‘online jueteng’ kaysa sa jueteng na binobola o iyon binubunot sa bulilyo ang mga numerong tatama sa oras na iyon.

May gamit na hi-tech equipment ang PNP Cyber Crime cops para tiktikan ang operasyon ng sugalan dayaan na pumutok sa Pasay City kamakailan.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga bugok daw sa NBI at kamoteng kapulisan plus mga burongoy kupitan ang kasama sa sindikato ng bagong negosyo ng mga lagapot.

Hindi kasi puedeng basta magpaputok ng isang illegal sa isang lugar kundi kakausapin ng maayos para pumayag ang mga bugok sa NBI, PNP local units, LGUs at Barangay.

Abangan.

MIAA may ibibigay na new jobs

MAHIGHINTAY – hintay lamang ang mga nawalan ng hotraba lalo’t iyong mga OFW’s na nasibak sa kanilang work abroad dahil may maganda kayong mata-trabaho sa Ninoy Aquino International Airport with in a week.

Sabi nga, tutulungan nila!

Ang bagong trabahong makukuha ng mga alaws hotraba na OFW’s ay in line sa program ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Hindi lang mga OFW’s ang mabibigyan ng hotraba sa airport kundi maging mga student na nakabakasyon sa ngayon ay malamang makakuha ng pansamantalang job kay MIAA general manager Al Cusi.

Si Al ay nakipagpulong sa mga ahensiya pribado man o gobierno na nasa paliparan para pagusapan ang posibilidad na mabigyan ng trabaho ang mga nabanggit na workers sa itaas.

Sabi ni Al, basta huwag lamang silang mamili ng mga job tiyak magkakaroon sila kahit pansamantala para din matulungan ang mga ito sa mapait na sinapit nila sa aboard este mali abroad pala ng tamaan ang mundo ng krisis sa pananalapi.

Kaya sa mga interesado maghintay-hintay lamang sa announcement ng paliparan.

Sabi nga, abangan.

vuukle comment

AL CUSI

ATONG

CAMARINES NORTE

CYBER CRIME

JUETENG

PASAY CITY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with