^

PSN Opinyon

Ambisyoso’y naglabasan

PILANTIK - Dadong Matinik -

Marami na ngayong gusto’y mag-presidente

Nitong bansa nating dumarami ang mga pulubi;

Ang mahusay lamang sana sa kanila ang magwagi

At hindi ang sobrang galing – masama ang ginagawi!

May kung ilang pangulo na ang sa bansa ay namuno

Nguni’t sila sa totoo sila’y pawang nangabigo

Na ang ating Inang Bayan sa dalita ay mahango

At ang bansa ay umangat – umunlad ang Pilipino!

Mahigit pang dalwang taon bago tayo maghalalan

Kandidato’y bumandera na sa TV at pahayagan;

Ngalan nila’y ,maningning pa sa matinding kahirapan

Na ngayon ay binabata nitong ating mamamayan!

Sa loob ng mga taong kayo’y nasa p’westo

Ang gagawin na lang ninyo ay tanging magplano –

Kung paano lulustayin ang salapi ng publiko –

Upang kayo ay magwagi at sa bansa ay mangulo!

Di na kayo mag-iisip na ang bansa ay hanguin

Sa matinding kahirapang ang may gawa ay kayo rin;

Kayo’y mga kandidatong ngayon pa lang ang layunin

Kayo’y maging presidenteng sarili lang ang mithiin!

Naging mga pangulo na’y gusto pa ring mag-candidate

Sana naman ay huwag na upang hindi na maulit –

Ang nagawang kamalian na sa baya’y nakasakit

Upang kami’y makabotong ang hangarin ay malinis!

Paano na ang problema nitong ating sambayanan

Na ngayon ay naghihintay ng magandang kasagutan

Sa problemang binubuno nang dahil sa nagtaasan –

Ang presyo ng pamilihin sa nayon at kabayanan?

 

Solusyon bang masasabi ang hangarin ng Senators

Na ngayon pa’y magkampanya sa hinangad na posisyon?

Solusyon ba na limiin nitong ating mga solon

Kung sino ang kakampihan sa darating na eleks’yon?

Ambisyon ng pulitiko makuha ang gustong p’westo

Kaya ngayon pa lang sila’y nagnanais na manalo;

Pero pa’no naman kaya ang hirap ng mga tao

Malunasan kaya nila kung sila na ang pangulo?

Kung sa Senate at Lower House score ninyo’y puro bokya

Kung naroon sa Senado kayo kaya’y may maggawa?

Ngayon pa lang sa posisyon lahat kayo’y kandarapa

Eh paano ang tungkuling sa Kongreso’y di nagawa?

vuukle comment

INANG BAYAN

KAYO

LOWER HOUSE

SOLUSYON

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with