^

PSN Opinyon

Wala nang gagawing Tama si PGMA

- Al G. Pedroche -

SA dami ng mga kontrobersyang bumabalot kay Pre­sidente Arroyo at sa mga nagrarambulang politikong “atat” makaagaw ng kapangyarihan, wala na siyang tama’ng maaaring gawin. She’s in a damn if you do, damn if you don’t situation.

Nakakaawa siya. Kulang na sa tatlong taon ang nalalabi sa kanyang termino. Pero imbes na humupa ay lalung lumulubha ang paghambalos sa kanya ng kanyang mga katunggali sa politika.

Sa tingin ko, ang paggagawad ng executive clemency ng Pangulo kay dating Presidente Estrada ay makatu­tulong maski papaano para bigyan siya kahit kaunting suporta ng oposisyon. Pero you can’t please everybody. Mismong mga kaalyado niya ang nagpoprotesta ngayon matapos niyang patawarin sa Estrada.

Hindi pa man nalalagdaan ang presidential pardon, umalma na si Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson. Aniya’y  “adios Gloria” kapag pinatawad si Estrada. O, hala Mr. Chavit, makipag-break ka na ngayon!  Pati si dating Presidente Ramos na kilalang nasa likuran (ows?) ni PGMA ay nagbababala na baka ang paggagawad ng pardon kay Estrada ay lalung magpabilis sa pagpapatalsik sa kanya (GMA) sa estado poder. At siyempre, may katuwirang mag-alboruto ang mga prosecutors na nagsunog ng kilay para tiyaking magko-convict si Estrada only to find out na matapos igawad ang conviction, agad naman itong bibigyan ng pardon.

Hindi ko kukuwestyonin ang ginawa ng Pangulo. Kung ako ang nasa lugar niya, ganyan din siguro ang gagawin ko para maibsan ang mga sagabal sa aking pamumuno. Marahil, tama lang na isaisantabi muna ang usaping ito. Naririyan na iyan. Pagkatapos ng termino ni PGMA sa 2010, doon na lang siya ipaghabla kung inaakala ng ilan na lumabag siya sa batas sa paggagawad ng pardon kay Estrada. Sulong na tayo mga kababayan at tama na ang political bickerings.

vuukle comment

ANIYA

ILOCOS SUR GOV

LUIS CHAVIT SINGSON

MR. CHAVIT

PANGULO

PERO

PRESIDENTE ESTRADA

PRESIDENTE RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with