^

PSN Opinyon

Ang politika at jueteng

- Al G. Pedroche -
KAHIT sino pa ang maluklok sa pinakamatayog na posisyon ng pamamahala sa pamahalaan, hindi na yata lubos na masusugpo ang ilegal na jueteng. Kakambal kasi iyan ng politika. Sa panahon ng pangangampanya, may importanteng papel na ginagampanan ito para sa mga dirty politicians: Ang mangilak ng campaign funds para sa mga kandidato.

Kaya natural na sumuporta ang ilang elected officials sa ilegal na sugal para matustusan ang kanilang kampanya sakali man at nagbabalak silang kumandidato muli. Hindi natin nilalahat pero isang open secret na may mga opisyal ng gobyerno na talagang protektor ng mga ilegal na gawain.

Ilang buwan na lamang at eleksyon na naman. Inaamin mismo ng mga matataas na opisyal ng pulisya na namamayagpag na naman ang jueteng. Ito’y sa kabila ng pagkakaroon ng small town lottery (STL) sa ilang lugar sa bansa na pinapatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang pakinabang ang mga politiko sa STL. Ang kinikita rito ay swak sa kaban ng gobyerno. Ginagamit for charitable purposes o pagtulong sa mga mangangailangang mamamayan.

Kaya mas gusto ng ilang elected officials ang ilegal na sugal dahil tiyak na makikinabang sila. May pondo na sila sa kampanya, may natitira pa para sa kanilang bulsa.

Isa pang dahilan kung bakit di masugpo ang jueteng ay ang pagtangkilik ng taumbayan. Sa mas maliit na pusta nila, mas malaki ang tsansang manalo. Sa kabila niyan, tutol pa rin ako sa legalisasyon ng jueteng. Hindi dapat gawing kasangkapan ang paghihirap ng tao para hikayatin silang magsugal. Walang yumayaman sa sugal at ito’y imoral saan mang anggulo silipin.

Ang legalisasyon ng jueteng ay parang shortcut sa pagsugpo ng isang bagay na ilegal. Kung magkagayon, bakit hindi na lang gawing legal ang shabu at iba pang ipinagbabawal na droga. Totoong masama sa pisikal at mental na kalusugan ang pagkasugapa sa droga pero ang pagsusugal din ay may masamang epekto sa kalusugang espiritwal ng tao.

Ecomic approach
pa rin ang solusyon. Kung ang bawat Pilipino ay hindi dumaranas ng paghihikahos, wala silang dahilan para ipagbakasakali sa sugal ang kaunting baryang kinikita nila.

Email me at [email protected]

vuukle comment

ECOMIC

GINAGAMIT

ILANG

INAAMIN

ISA

KAYA

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with