^

PSN Opinyon

Best defense is offense, kaya?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
SA mga susunod na araw umasa ho tayo na palalawakin pa ang imbestigasyon ni (in)Justice Secretary Raul Gonzales at ng bagong AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon ukol sa coup d’etat noong February 24.

Huwag na rin kayong magulat kung madagdagan din ang mga idadawit nila lalo na kung kritiko kayo ni Madam Senyora Donya Gloria o di kaya’y kasali kayo sa opposition.

Ang mga negosyante naman na nais daw ng Malacañang magdagdag ng investment at poprotektahan laban sa kidnapping ay dapat ding mag-prepara ng mga sobreng may nakalagay na maraming maraming pera at kung maaari nga ay dolyar at hindi piso.

Walang magagawa ang Malacañng kung hindi sundin ang naturang script at ilayo ang isyu sa impeachment na muling sinampa sa Kongreso at dapat talakayin sa pagbubukas sa July 24.

Hindi nila nanaising matuon ang pansin ng sambayanan sa panibagong plano nila na busalang maigi ang mga opposition congressmen sa paglalantad ng mga ebidensiyang magpapatunay nang malawakang dayaan, nakawan at kasinungalingan.

Noong nakaraang taon, dinaan nila sa teknikalidad dahil sa pakikipagkutsaba nitong abogadong ewan na si Oliver Lozano. Sa taong ito, imposible na ang sabihin nilang may naunang complaint dahil araw-araw ay may-nagpa-file ng impeachment complaint ilang linggo na ang nakaraan pero iisa ang laman at iba-iba lang ang nakapirma.

Magandang stratehiya ito ng opposition para alinman ang palusutin ng mayorya ay okay pa rin ang complaint na didinigin ng committee na puwersadong harapin ang mga ebidensiya ng dayaan, kasinungalingan at nakawan ng Malacañang.

Kahit na nabili nila ang karamihan sa mga kongresista ay alam ni Madam Senyora Donya Gloria na walang kasiguruhan sa magiging reaksyon ng sambayanan kasama na ang kasundaluhan at kapulisan kapag naglabasan ang ebidensiya at pilit takpan ng kanyang mga kaalyado.

Dahil diyan, dapat nilang guluhin ang mga isyu at takutin o di kaya’y ilagay sa depensa ang mga kalaban nila kasama na ang mga obispong nananatiling matatag at patuloy na tumatanggi sa lantarang panunuhol nila.

Kailangan nilang duruin ang mga ito sa pamamagitan ng threat ng pagkulong in the hope na matakot ang mga ito sa pamamagitan ng pagdawit sa kanila sa coup d’etat.

Sa ganoong paraan, tameme ang karamihan sa kanila at kesa umatake ay mauuwi sa kadedepensa sa sarili. Best defense is offense!!!

Ang mga negosyante naman na mga 20 raw ang involve pero hanggang ngayon ay apat na pangalan lang ang nilulutang ay malinaw na binabalaan ng Malacañang na tumigil sa pagbibigay ng anumang support sa kalaban.

May fringe benefits pa ang mga imbestigador na gagamitin ang naturang "intelligence" report laban sa mga negosyante upang kumita. Wala nga namang kidnapping, extortion na lang pero lehitimo pa.

Mga vendors kasama na ang mga nagtitinda ng tubig at taho at mani baka gusto ring kasuhan ni Gonzales at Esperon dahil nagtitinda sa mga nagra-rally. Sama n’yo na rin yung nagtitinda ng balut at kornik pati na yung sa malamig.

Konting flashback tayo, pagkatapos ng EDSA 3, ang tunay na pag-alsa ng masa ay pinasyalan ng isang police general na ngayon ay nasa gobyerno pa rin ni Madam Senyora Donya Gloria ang isang tindahan ng hopia dahil nakakuha raw ang mga bata niya ng wrapper nito na iniwan ng mga nagra-rally. Nangangahulugan daw ito na nagbigay siya ng tulong. Kaawa-awang negosyante, daig pa ang nakidnap. Suka siya para kay B. na dati namang kidnapper.

Matinding baril ito na inuumang ni Gonzales at Esperon sa mga negosyante upang tiyakin na wala sa kanila ang magbibigay ng anumang uri ng tulong lalo na at nalalapit na rin ang 2007 election kung saan inaasahan na mabokya ang senatorial slate ni Madam Senyora Donya Gloria.

Marami ring mga kongresista na kaalyado niya ang asahan nating isusuka ng sambayanan hindi dahil sa kanilang performance kung hindi dahil sa kanilang patuloy na pagsisipsip kay Madam Senyora Donya Gloria.

Realidad iyan na alam ng Malacañang at kahit na meron nang emergency exit plan si Madam Senyora Donya Gloria at kapamilya niya sa Spain o United Kingdom ay marami sa mga bataan niya kasama na si Gonzales at Esperon ang maiipit dito upang harapin ang poot at galit ng hirap na hirap na sambayanan.

Suliranin lang nila diyan, kesa takot ang maramdaman ng mga kritiko ni Madam Senyora Donya Gloria ay titindi ang poot nila at tatatag ang resolba nilang lumaban.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

vuukle comment

CHIEF OF STAFF GEN

DAHIL

DONYA

ESPERON

GONZALES

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MALACA

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with