^

PSN Opinyon

Ilang dapat gawin kung nalason

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
DALAWANG linggo na ang nakararaan, maraming bata sa Bohol ang nalason sa kinain nilang kakanin na gawa sa kamoteng kahoy o balinghoy. Unang report ay pagkalason dahil sa cyanide ang dahilan. Pero sa pinakahuling report, pesticide umano ang dahilan. Naihalo sa ginagawang kakanin. Patuloy pang iniimbestigahan ang pagkalason ng mga bata.

Ang pagkalason ay maaaring maging permanent o temporary. Ang lason ay maaaring makapasok sa katawan sa pamamagitan ng pagkalunok at maaaring ito ay aksidente o maaaring overdose. Maaaring makapasok sa katawan ang lason sa pamamagitan ng pagsinghot gaya ng gas o carbon monoxide, solvent at vapors.

Ang pesticides at insecticides ay maaaring maabsorved ng balat at maging dahilan nang pagkasunog. Maaari ring makapasok sa katawan ang lason sa pamamagitan ng injection sa balat katulad ng ginagawa ng mga drug addict. Ang kagat ng ahas o insekto ay isa ring paraan na ang lason ay makapasok sa balat.

Kapag nalason, sikaping makuha ang history kung bakit nalason, alamin kung ano ang substance na nakalason, gaano karami ang nakalason at gaano na katagal ang nakalipas nang maka-take ng lason.

Huwag puwersahing pasukahin ang bikima sapag- kat maaaring mapinsala ang gastrointestinal tract at malanghap ng pasyente ang kanyang isinuka. Dalhin kaagad sa doktor at kumuha ng sample ng toxin at ipakita sa doktor. Sa pagsusuri sa toxin makikita kung ano ang nakalason at gaano karami ang nalulon.

vuukle comment

BOHOL

DALHIN

HUWAG

KAPAG

MAAARI

MAAARING

NAIHALO

PATULOY

PERO

UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with