^

PSN Opinyon

Sariling tao ni GMA gusto siyang ibagsak

- Al G. Pedroche -
PALAGAY ko’y may lihim na mga kaaway si Presidente Gloria Arroyo sa mga sariling tauhan niya. Kunwa’y nagmamalasakit at tumutulong pero nagbibigay ng maling payo at dumidiskarte nang palpak para siya ibagsak. Kasi, sa mga aksyon ng administrasyon, kontrabidang- kontrabida ang dating ng Pangulo. Isang political persecutor. Sa mga text messages na tinatanggap ng ating feedback section, mas marami ang pumupuri sa mga kudeta boys at tumutuligsa sa mga "kapalpakan" ng administrasyon. Matapos ipagdiinan si Sen. Gringo Honasan na "utak" ng nabigong kudeta, ang mga pamilya naman ni dating Presidente Estrada ang iniisa-isa.

Kahapon, may press conference sa Malacañang. Isinabay sa pagdinig sa testimonya ni Lt. SG Antonio Trillanes sa Feliciano Commission. Halos sabay na-televise. Gusto bang tabunan ang mga pagbubunyag ni Trillanes kaya isinabay? Nagpalabas ang Malacañang ng kopya ng larawan kuno ng nangyaring blood compact ng Magdalo group. Nasa larawan si Honasan. Marami ang nakapuna na mukhang computer generated ito at si Honasan ay parang isiningit lamang. Maliban na lang kung sinadya, bakit magpapalabas ng ganyan ka-krudong larawan na lalo lamang aani sa Pangulo ng mga tuligsa?

Hindi ko sinasabing inosente ang mga idinadawit sa kudeta. Pero ang paraan ng pagsasangkot at pagsasampa ng demanda laban sa kanila ay simbilis ng ipo-ipo. May mga sapantaha pa na ang mga ebidensya ay "kinakatha" para maidiin ang mga taong ibig idiin. This gives the President a scheming sinisterly image, unfortunately.

Mrs. President, huwag lang lifestyle check ang ipag-utos mo sa iyong mga opisyal. Gumawa ka rin ng loyalty check para matukoy ang mga lihim mong kalaban sa loob ng iyong bakuran. Obviously, gusto ka nilang itaob sa dahilang sila lamang ang nakakaalam.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

FELICIANO COMMISSION

GRINGO HONASAN

HONASAN

MALACA

MRS. PRESIDENT

PANGULO

PRESIDENTE ESTRADA

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with