^

PSN Opinyon

Happy graduation sa mga magulang

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
GRADUATION na naman kaya’t maraming magulang ngayon ang sumasakit ang ulo. Hindi malaman kung saan kukuha ng perang gagastusin sa graduation ng kanilang mga anak tulad ng bagong damit, sapatos, renta ng toga, bayad sa junior-senior prom at marami pang iba.

Maliban sa mga nakakakubang mga gastusing ito, dapat pa ring bayaran ng mga magulang ang mga natitira pang utang sa school upang payagang maka-graduate ang anak. Sa parteng ito ng gastusan, naglulumuhod na sa hirap ang mga magulang sapagkat hindi nila malaman kung saan kukuha ng perang ipambibili ng kakanin ng pamilya.

At hindi pa diyan natatapos ang kalbaryo ng mga magulang tungkol sa anak na ga-graduate. Kung high school ito, problema na naman ng magulang ang entrance at tuition fee ng anak na papasok sa college. Panibagong pangangailangan na naman ng anak na mag-aaral ang magiging sakit ng ulo ng mga magulang.

Ang pinag-uusapan natin ay iisa lamang ang anak na magtatapos. At papaano naman kaya ang magiging karanasan ng mga magulang kung sabay-sabay ang mga anak na magga-graduate. Sasabihin ba ninyong ‘‘give up na ako.’’ Siyempre, hindi. Kahit na ano pa ang mangyari, gagawan ninyo ng paraan.

Mahirap talaga ang buhay ngayon. Subalit, talagang ganyan. Malay natin, baka naman gumanda ang takbo ng ating buhay sa pamamagitan ng mga anak na pinag-aral. Ipagdasal natin na sa pag-graduate ng ating mga anak ngayon, nawa ay natuto ang mga ito sa kanilang mga pinag-aralan upang magamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at ng kanilang mga pamilya. Ito ang tunay na pamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Happy graduation!

vuukle comment

ANAK

IPAGDASAL

KAHIT

MAGULANG

MAHIRAP

MALIBAN

PANIBAGONG

SASABIHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with