^

PSN Opinyon

Scoliosis

-
Marami ang sumusulat sa column na ito at nagtatanong tungkol sa scoliosis.

Ang scoliosis ay abnormal misalignment ng buto sa ating gulugod (spine). Ang ganitong abnormalidad ay karaniwan sa mga batang babae mula nang ipanganak. Bagamat walang aktuwal na dahilang maituturo sa pagkakaroon ng scoliosis, ang ilan ay sinasabing dahil ito sa polio, cerebral palsy, juvenile osteoporosis at iba pang mga sakit.

May mga kaso ng scoliosis na hindi nakikitaan ng sintomas maliban sa paminsan-minsang pananakit ng likod at nadidiskubre lamang kapag nagsasagawa ng routine physical examination ng mga estudyante sa school.

Ang isang bata ay hinihinalang may scoliosis kapag ang isang balikat niya ay mas mataas kaysa sa kabila. Maaari ring kapag ang bata ay yumuyuko at ang kanyang gulugod ay nakikita sa likuran. Sa ganitong posisyon makikita ang abnormal spinal curve. Ang pagsasagawa ng x-rays sa bata ay makukumpirma ang mga suspetsa.

Paano malalaman kung gaano kasama ang kondisyon ng isang may scoliosis? Kapag malaki ang sakop ng abnormal curves, mas malaki ang panganib sa paglala ng kondisyon. Kaya nararapat na ma-detect kaagad ang scoliosis sa lalong madaling panahon upang hindi magkaroon ng deformity.

Sa ganitong pagkakataon, kinakailangang magpakunsulta sa isang bone specialist o orthopedic doctor. Karaniwang pinagsusuot ng brace o plaster cast ang pasyente upang maituwid ang spine. In some cases, electrospinal stimulation is performed by stimulating the spinal muscles with tiny electrical currents to allow the spine to straighten. Whenever needed, surgery is performed to fuse the vertebrae together and a metal rod may be inserted to keep the spine straight until the vertebrae have fused.

Maaaring magkaroon ng psychological problems ang batang may scoliosis lalo pa sa panahong ito ay ginagamot. Masasaisip kasi niya ang kakaibang kalagayan sa iba pang bata dahil sa suot na cast o brace. Ganoon pa man maaaring ipaliwanag ng kanilang magulang na kung hindi sasailalim sa ganoong treatment ay hindi siya gagaling.

Sa sinumang may problema sa scoliosis, maaari kayong makahingi ng libreng tulong sa charity service ng Department of Orthopedics, Jose Reyes Medical Center, Rizal Avenue, Manila.

vuukle comment

BAGAMAT

DEPARTMENT OF ORTHOPEDICS

GANOON

JOSE REYES MEDICAL CENTER

KAPAG

KARANIWANG

KAYA

MAAARI

RIZAL AVENUE

SCOLIOSIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with