^

PSN Showbiz

Demandahan sa Eat Bulaga at TAPE, kasado na?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Demandahan sa Eat Bulaga at TAPE, kasado na?!
Pauleen at Ruby
STAR/ File

Tuloy raw ang paghahanap ng poste ng TAPE Inc. mala-Tito, Vic and Joey. Hindi diumano talaga napapayag sina Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K na paiwan sa Eat Bulaga.

Samantala, kinumpirma ni former Sen. Tito Sotto na tatlong network ang may offer sa kanila sa interview nina Julius and Christine Babao the other day.

Ito raw ay ang Net25, Cignal, One Ph and TV5.

Kinumpirma rin ng dating pulitko na naka-copyright daw ang Eat Bulaga title sa TVJ. “Kaya sige, ‘di gamitin muna nila (ng TAPE ang Eat Bulaga title) habang nag-iisip pa kami kung ano ang susunod naming steps, pagkatapos, di bayaran. Madali namang maningil, eh.”

Pero soon daw ay mapapanood na sila dahil dala nga nila ang buong grupo. “Hopefully, very soon kasi, ayaw naming mawalan ng trabaho ‘yung mga production staff, saka ‘yung mga empleyado, ‘yung mga ibang crew, mga camera man,” aniya.

Sa July 30 ay 44 years na sila at siniguro niyang marami pa silang bagong pasabog.

By this time ay nakapag-meeting na ulit sila ng magiging partner nila kasama na si Mayor Albie Benitez ng Brightlight Productions.

Nagkaroon nga ng mass resignation sa programa kaya wala raw talagang natira.

Pero totoo kayang pati ang title na Dabarkads ay planong harangin ng TAPE Inc.?!

Diumano’y Dabarkads ang binabalak na gamiting title ng TVJ paglipat nila ng ibang channel.

Samantala, bukod sa kuwento ni Tito Sen na tatlong beses umiyak si  Joey nang kausap niya sa telepono, nag-post din siya ng “LAHAT TAYO’Y ANGHEL NA IISA LANG ANG PAKPAK, TAYO LA’Y MAKAKALIPAD KUNG MAGKAKAYAKAP.” Sa aking mga Dabarkads, MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT!”

Si Ruby Rodriguez naman ay nagpasalamat sa programa dahil doon niya naging BFF si Pauleen Luna.

Maalalang ‘di na siya noon pinabalik sa EB nang mag-leave at pumunta ng Amerika. “My bff @pauleenlunasotto I miss you soso much. You are one of the best reason why no matter what i love Eat Bulaga. If not for this show i would have never met you. Love you and miss you much”

Si Michael V. ay may tribute rin, “Panibagong laban. Mas malaman kesa Olympics ng “Bulagaan”.

“One for all, all for one, pang-malakasan.

“Not a “goodbye” but a “see you soon” lang naman.

“Salamat #EatBulaga… “Dabarkads” magpakailanman.”

Sa true lang, maraming apektado sa mga nangyayari sa programa na replay ang mga napapanood na episode sa kasalukuyan kaya apektado na diumano ang rating.

Parang lahat ay may kuwento.

As of presstime, ang narinig kong pinag-uusapan ay kasado na raw ang demandahan between TVJ at TAPE. True kaya?

Last April pa nga raw nag-umpisa ang pag-uusap ng Divina Law Office at ng grupo ng TVJ.

At the other day ang isang photo ng TVJ kasama ang Divina Law partner na si Atty. Si Enrique “Buko” Dela Cruz ang naging visible na naman sa social media.

Mga taga-Italya, nakipag-picture sa cast ng Iron...

Tumulak nitong Linggo sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Jake Cuenca, at Albert Martinez sa Italy para sa kanilang shooting ng action packed scenes ng hit aksyon serye na The Iron Heart.

Ito nga ay para magpamalas ng pasabog na eksena sa iba’t ibang parte ng Roma ang serye.

Nag-post naman ang Star Creatives ng konting pasilip sa kanilang shooting sa nasabing bansa.

Bukod sa behind the scenes footage, nakihalubilo rin sina Richard, Ian, at Jake sa mga foreigner at turista na nakipag-picture sa kanila.

Samantala nitong Martes ay nasungkit ng programa ang kanilang panibagong all-time high viewership record na 304,208 views. Inaabangan nga ng manonood kung ano ang sasapitin ng mga karakter nina Richard at Jake na sina Apollo at Eros at kanilang grupo matapos ang sunud-sunod na pagharang ni Priam (Albert Martinez) sa kanilang planong pagpapabagsak ng kanyang The Iron Heart project.

vuukle comment

TAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with