^

Pang Movies

Joey at Mr. T, hinahabol ang EB!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joey at Mr. T, hinahabol ang EB!             
Joey

Hindi na kami nagulat sa mass resignation ng ibang hosts ng Eat Bulaga matapos na umalis ang TVJ sa Tape Inc., dahil alam nila na ang show ay bale wala na kung wala ang main hosts, ang TVJ. Kung napansin ninyo noong pandemic, nang pinagbawalan ng IATF na lumabas ng bahay ang senior citizens kahit na malusog sila at walang sakit, kahit na nabakunahan na sila,walang TVJ sa Eat Bulaga.

Si Vic Sotto madalas na naka-zoom lang, si Joey de Leon talagang paminsan-minsan lang dahil mukhang hindi siya naglagay ng Zoom setup sa bahay niya, si Tito Sotto matagal na namang pasulpot-sulpot lang sa Eat Bulaga, hindi ba parang wala na ngang buhay iyong show. At saka si Joey talagang matindi ang dating pag live. Isipin na lang ninyo, papaano nga bang sumikat si Gracia, si Rochelle Pangilinan ng SexBomb, ang SexBomb mismo, si Ryzza Mae Dizon, hindi ba lahat naman sila ay napansin dahil sa mga pagbibiro ni Joey. Alisin mo si Joey de Leon lang sa Eat Bulaga pilay na iyan, eh kung TVJ pa?

Pero siyempre, ang TAPE bilang producer, at dahil na rin sa commitment nila sa GMA 7 hanggang 2024, hindi na sila makakaurong pa. Oras na basta na lang sila huminto hindi lang sila lugi dahil kailangan nilang magbayad ng airtime at isang malaking kahihiyan iyan.

Tiyak na susuportahan sila ng GMA 7 dahil ang dami-dami naman nilang baguhan doon sa Sparkle nila na wala ngang magawa dahil iyong mga serye nila pinasok na ng ABS-CBN.

Pero duda kami sa sinasabi nilang malalampasan nila ang isang libo’t isang tuwa.

Malaking suicide na pinayagan nilang mawala ang TVJ kahit na nga sa fairy tales ang leksiyon eh, “you don’t kill a goose that lays the Golden eggs” eh hindi ba iyon ang ginawa nila nang mag-take over sila?

Kung saan lilipat ang TVJ na kasama ang lahat ng Dabarkads Iyon ang panonoorin at paniniwalaan ng mga tao.

Iyon ang Eat Bulaga kahit na sabihin ninyong ang title ay gamitin pa sa isang bagong show.

Pero may isa pang detalye, may isinampang petisyon si Tony Tuviera na sa kanya ang Eat Bulaga.

May petition din si Joey de Leon na sa kanya iyon dahil sa umiiral na intellectual property law. Balita namin isang malaki at kilalang law office ang kasama nilang gumagawa nito, ang Divina Law Office.

Mumurahing swimsuit ni Sunshine, nagmukhang mamahalin ang presyo

Nag-post si Sunshine Cruz ng picture na naka-swimsuit at ang sabi niya ang suot daw niyang swimsuit ay singkuwenta pesos lang. Pero sabi nga ng isang netizen, dahil si Sunshine ang may suot noon mukha iyong singkuwenta mil pesos ang halaga.

Iyan ang isang bagay na nauuso ngayon sa internet, ang daming ibinebenta, lalo na nga iyong mga gamot at ginagamit pa ang pangalan at picture ng mga kilalang doktor, Tapos tatawagan ka na ng isang “specialist” daw, hindi naman doktor at hindi naman masagot ang tinatanong mo, kasi seller lang siya. Hanggang mapipiga ka, pipigain kang bumili ng marami, para mas malaki ang discount mo at baka wala ka nang mabili dahil mabagal daw ang dating ng kanilang podukto na sinasabi nilang ang factory ay nasa Japan. Basta kumagat ka, tapos na.
Fake naman kasi ang mga gamot na ibinebenta nila. Hindi totoo ang lahat ng sinabi sa iyo, kasi nakalagay sa kahon “no approved therapeutic claim.” Supplements lang iyon dahil wala naman silang FDA approval. Ang mamahal pa, aywan kung bakit walang ginagawa ang gobyerno sa ganyang raket.

Ganoon din ang mga damit, ang gagaling magsalita ng online sellers, pero pagdating sa iyo ng damit halata mong galing sa ukay-ukay. My kakilala kami ganyan ang raket at ang dami nilang biktima. Kaya huwag kayong maniniwala sa kanila kung ang presyo nila ay masyadong mura.

Mahirap ang buhay ngayon, huwag na kayong mgpapabudol.

Male starlet, nalantad ANG pagiging ‘Gay for pay’

‘Yung mga panay ang display sa internet ng magagandang katawan nila at napakahusay sumayaw, mag-ingat na kayo, sabi ng isang kilalang gay.

Kasi iyan daw ang basta kinausap ninyo, mag-aalok na iyan ng kanilang nude pictures o sex video, pero basta naipadala mo na ang pera sa GCash nila, hindi ka na lang papansinin, nakuha na pera mo. Minsan naman daw nakikipag-date pero sisiingilin ka ng napakamahal. Bakla rin sila at alam nila kung papaano bobolahin ang kapwa nila bakla. Iyan daw ang tinatawag na “gay for pay,” kagaya ng isang male starlet na ang lakas manloko ng mga bakla, pero bakla rin naman siya, sabi pa ng aming source.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with