^

Police Metro

Metro Manila LGUs naghahanda na rin sa super typhoon ‘Betty’

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang magdadala ng malakas na hampas ng hangin at mga pag-ulan ang super typhoon Betty sa Central  Luzon, maging ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang naghahanda na rin sa nasabing pagtama ng kalamidad.

Sa Quezon City, agad na inihanda ng City Di­saster Risk Reduction and Management Office ang supply ng first aid kits, evacuation tents, hygiene kits, personal protective equipment at mga gamot upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente ng lungsod. Nagsagawa na rin ng Rescue and Clearing Operation ang QC Law and Order Cluster sa mga street dweller sa kahabaan ng SM Centerpoint at ilang  bahagi ng District 4 hanggang District 6.

Pinapayuhan din ang mga taga Quezon City, na maaari silang tumawagsa Quezon City Helpline 122 sa anumang emergency na pangangailangan.

Sa Marikina, nakakalat na ang mga bangka na maaaring kailanganin ng mga residente ng Marikina sa paglilikas oras na manalasa na ang bagyong Betty sa lugar.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, naka-stand by sa istratehikong mga lugar partikular na sa mga komunidad na malapit sa ilog ang mga bangka para sa paglilikas.

Mula sa Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office, inilagak ang mga rescue boat sa  Provident Village, Homeowners’ Drive sa Brgy. Sto. Niño, A. Santos St. sa Brgy. Tumana, at Bayabas St. sa Brgy. Nangka na madalas bahain kapag may kalamidad.

Maliban sa MCDRRMO, nakahanda na rin ang kanilang mga vo­lunteer na magsisilbing dagdag pwersa kung kakailanganin habang ang mga paaralan at covered court ang posibleng gagamiting lugar na paglilikasan.

Ipinag-utos na rin ni San Juan Mayor Francis Zamora ang pagtatalaga ng evacuation center sa lahat ng mga barangay hall, available na health centers,  multipurpose hall, basketball court at paaralan bilang paghahanda sa ­inaasahang pananalasa ng Bagyong Betty sa lungsod. Maging ang kanilang rescue equipment ay nakapuwesto na rin sa pagtugon sa epekto ng bagyo.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, nakahanda na rin ang kanilang mga rubber boats, salbabida, ambulansya, truck, life vest, at iba pa para sa pagtugon sa anumang emergency cases dahil sa bagyong Betty.

Sa huling abiso ng PAGASA nitong Sabado ng hapon, bagama’t bahagyang humina si Betty sa kanyang pagkilos pakanluran nitong Sabado ng hapon,  patuloy namang makakaranas ng malakas na  pag-ulan hanggang sa Martes ng hapon ang maraming lugar lalo na ang Batanes, Babuyan Islands, at sa northern portions ng  mainland Caga­yan, Apayao, Ilocos Norte, at Ilocos Sur at inaasahan din sa Metro Manila at iba pang lugar.

Kahapon nakataas sa signal number 1 ang bagyo sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Ilocos Norte,  northern at central portions ng  Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney), Kalinga, Eastern at central portions ng  Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc), eastern at central portions ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo), northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Quirino at ang northeastern portion ng  Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio).

vuukle comment

BETTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with