^

Probinsiya

36 negosyo nagsara, 810 empleyado natanggal dahil sa COVID sa Region 12

Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Nasa 36 na establisi­myento sa buong Region 12 ang pansamantalang nagsara o nagtanggal ng mga empleyado dahil sa epekto ng COVID-19, ayon sa isang labor official kahapon.

sinabi ni DOLE Regional Information Officer Christopher Gamboa, umabot sa 810 na mga manggagawa ang nawalan o pansamantalang nawalan ng trabaho at dahil na rin sa ipinatutupad na flexible work arrangement.

Sa nasabing bilang, 17 business establishment ang nag-permanently closed na mayroong 234 workers na kinabibilangan sa industry sector, banking and finance, education tulad ng review centers at iba pa.

Samantala, simula nang ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon ay nasa 1,622 ang pansamantalang nagsarang negosyo na mayroong 19,140 wor­kers ang naapektuhan.

Kaugnay nito, bilang tulong ng DOLE, nag­laan ito ng nasa P78.9 milyon para sa displaced workers sa rehiyon sa pamamagitan ng CAMP at TUPAD Program.

Sa mga permanenteng nawalan ng trabaho dahil nagsara na ang kanilang pinapasukan ay maaaring maka-avail sa unemployment program benefit sa pamamagitan ng SSS.

Sinabi ni Gamboa, isa sa mga kinakaila­ngan ay ang DOLE certification na ibinibigay sa bawat field office. (Rhoderick Beñez)

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with