'Puwede ba, 90 days lang, itigil natin ang pulitika'
GOTCHA - Jarius Bondoc (The Philippine Star) - April 6, 2020 - 12:00am

Those words are from a man who turned his back on P1.8 billion. He no longer could bear that, in the midst of deadly pandemic, politicians are bickering, leaving the people despondent as ever. Thus his plea to them for a political ceasefire, even for only 90 days.

From his first day as Mayor of Manila in 2019 Isko Moreno went against the tide. He began clearing of illegal vendors and parkers the decades-long clogged streets of the capital. Protection racketeers offered him P5 million a day, or P150 million a month, P1.8 billion a year, for business as usual. Turning them down, he busted them – extortionate cops, City Hall bureaucrats, goons. Vehicles started moving again; smoke emissions and stench cleared. Then he restored and brightened up public parks and historical sites; promenaders returned. Malacañang ordered all other mayors to replicate his instant success at combating urban decay.

Moreno is a leader of different mold. Unlike most who descend from rich political clans, he was born to penury. A junk scavenger, he was just lucky to get a break in show biz. He joined local politics, earned a university degree in public administration, and took special courses in Harvard and Oxford. He still is in demand as commercial model and noontime TV show guest; millions of pesos in talent fees for those, along with donations from fans in the Philippines and abroad, he plunks into a transparent fund for indigents.

He thus has the moral ascendancy to take to YouTube last weekend against politicking, excerpted here:

"Ipinapaalala ko, wag po tayo pagamit sa panawagan, sisihan ng mga politiko.

"Walang maitutulong sa inyo ang politika laban sa Covid-19. Ang nananalo lang sa away politiko ay kapwa politiko. Palitan man natin ang liderato, wala pa rin makaka-solusyon sa ating kinakaharap. Sinasabi ko ito bilang ama ng Lungsod ng Maynila at Kapitolyo ng Bansa, sa maliit kong paraan.

"Ako’y nananawagan sa mga lider sa National Government – oposisyon, administrasyon, mga hindi nagkakaunawaan, mga kapwa ko politiko – puwede po ba 90 days lang pahinga muna tayo ng politika. Puwede ba 90 days lang – may kiling sa Kaliwa o Kanan – ibuhos natin lahat ng resources. Nagsusumamo ako sa inyo – mga Senador, Congressman – wag na kayo maghanap ng butas. Hindi bawat salita ng lider ay bibigyan natin ng halaga o ibang kahulugan. Hinihikayat ko kayo, tutal magagaling kayo, i-donate niyo ang suweldo niyo, lahat ng kakayahan niyo itulong sa tao. Walang magaling sa laban na ito. Wag na kayo nagkukumpara. Mga matatayog na bansa, tiklop. Imbis na araw-araw nababalita sa telebisyon, radyo, social media, kanya-kanyang bayad tayo ng kung sino-sino para isulong ang political interest niyo, puwede ba kayo makinig muna.

"Alam ko wala ako sa poder pagsabihan kayo, pero hindi lang ako nagsasalita bilang Alkalde ng Lungsod but bilang isang mamamayan. Marami nang nagugutom. Wag na natin sisihin kung sino ang mali. Wala pong tama sa sitwasyong ito, walang tama sa salita ninyo. Nagbabago ang ugali ng tao dahil hindi natatanggal sa kanila ang pangamba. Hindi natin sila mapapanatag dala ng mga salita niyong politikal – away dito, away doon. Sino ba ang kaaway natin? Sino ang gusto natin bigyan ng solusyon? Kaya mga Senador, 24 lang kayo, mga Sekretaryo, mga politikong katulad ko: ngayon tayo, ngayon niyo ipakita ang pagmamahal niyo sa Pilipino.

"Maraming nagdarahop. Masuwerte kayo, pinagpala, nakakaluwag tayo sa buhay. Paano yung mga hikahos bago pa man ang krisis na ito, at lalong naghihikahos.

"Hindi tayo magkakaunawaan sa salitaan, sa political ideologies, dahil magkakalaban tayo sa politika. Kaya tayo naglalaban sa politika ay upang mamuno sa kani-kaniyang nasasakupan. Ngayon niyo ipakita ang pamumuno at pagmamahal niyo sa kapwa. Nasaan kayo ngayon?

"Puro na lang tayo kontra rito, kontra roon dahil sa isinusulong niyong political interest. Wala ba kayong puso? Kukunin niyo ang pagkakataon ng kahinaan ng mga lider; kung kayo naman ang lider ngayon wala rin kayong alam. Alam niyo sa inyong konsensya, alam niyo sa inyong puso na wala rin kayong magagawa. Kaya mga kababayan, hinihikayat ko kayo, manawagan kayo sa mga taong Gobyerno na itigil na ang away politika.

"Ang halalan ay sa 2022 pa, may panahon ang politika. Wag kayo makapunta-punta dito, hihikayatin ang mamamayan; ni hindi namin kayo matagpuan kundi sa dyaryo, sa telebisyon, kuda nang kuda, kiyaw-kiyaw nang kiyaw-kiyaw. Nasaan?

"Sa mga artista: tularan niyo si Angel Locsin, tumutulong sa tao. Hindi ito pagkakampi-kampi o pagkakaparti-partido. Nakapamuhay kayo nang marangya, salamat sa Diyos, masaya ako para sa inyo. Nananawagan ako sa lahat ng sector, mayaman, sikat, may kapangyarihan, please focus ourselves on our fight.

"Ang kalaban natin Covid-19. Walang pinupuntiryang katatayuan sa lipunan.

"Ito ang panahon sa mga halal ng Bayan na maglingkod nang tapat, hindi lang sa panahon ng kasaganahan. Wala po ako ninanais na masakit na salita. Ito’y katotohanan. Baka masyado tayo nalilibang sa katatawanan ng ibang tao, sa kamalian ng ibang lider sa salita. Kapag naitama niyo ba yung ginagamit niyang salita, makakatulong ba iyon sa Covid-19? Makatutulong ba yon sa sikmurang kumakalam?

"Hinihikayat ko kayo – pula, dilaw, asul, puti, anoman ang inyong politika – itabi niyo muna, 90 days lang. Magtulong-tulong tayo – mga lider, Mayor, Vice Mayor, Konsehal, Congressman, Board Member, Vice Governor, Governor, Senator, Sekretaryo, Vice President, President.

"Pasensya na po kayo. Maaring saliwa sa political interest niyo ang sinasabi ko. Saka na tayo magsingilan. Kung ako ay may nasaktang damdamin, paumanhin."

* * *

Catch Sapol radio show, temporarily moved to Fridays, 10 a.m.-12 nn, DWIZ (882-AM).

Gotcha archives: www.philstar.com/columns/134276/gotcha

ISKO MORENO PANDEMIC
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with