^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn bibida sa bagong serye, si Direk Cathy pa ang hahawak

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Siguradong kakikiligan na naman ng manonood sa TV ang bagong serye na tatampukan  ng  magka-loveteam na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. With Cathy Garcia Molina directing the series na may pamagat na Shooting Star nakasisiguro ang manonood na isa na naman itong love story  na siyang forte ni Direk Cathy.

TV5 grabe ang ginagawang pagpapasikat kay Eula

Hindi lamang si Eula Caballero may bagong action series sa TV5, ang Cassandra: Warrior Angel, pinagkalooban din siya ng bagong titulo ng network.

Bukod sa itinuturing na isa sa mga prinsesa ng Kapatid Network, isa na rin siyang Anghel ng Dra­ma at bida sa isang pampamilyang fantaserye na tatlo-tatlo ang direktor (Eric Quizon, Argel Joseph at Benedict Mique) ng Cassandra: Warrior Angel, tinambakan pa rin ito ng isang powerhouse cast - Gabby Concepcion, Eula Valdez, JC De Vera, Alwyn Uytingco,  Victor Silayan, Albie Casino, Josh Stangeland, Art Acuna, William Martinez,  Mercedes Cabral, Rocky Salumbides, Van­gie Labalan, Mon Confiado, Joaqui Tupaz, Jopay Paguia, Chris Martinez, Biboy Ramirez, Helga Krapf, Diane Medina, Noel Urbano at Pen Medina. O hindi ba, ang dami-daming artista?

“Sana suportahan ng manonood,” pakiusap ng bagong action heroine na talaga namang sumailalim pa sa training sa martial arts para sa kanyang role na ipinapanood pa sa isang test audience, na tulad ng ginagawa sa US, para makita’t malaman ang magiging reaksiyon nila sa fantaserye. Nagustuhan naman nila ito at binigyan ito ng 1 out of 0 score na ikinatuwa rin ng bayaning babae.

Christian makikipag-aktingan na

Hindi rin nagkamali ng paglipat si Christian Bautista sa GMA 7 in the sense na may gagawin siyang serye kasama sina Mikael Daez at Andrea Torres. Sila ang bubuo ng pinaka-bagong love triangle ng network sa seryeng With a Smile na ididirek ni Louie Ignacio.

Excited na si Christian na simulan ang serye. Ang kagustuhang masubukan ang kakayahan        niyang umarte ang nagtulak sa kanya na sumubok sa ibang network na sa pagpirma pa lamang niya ng kontrata ay nangako nang bibigyan siya ng role sa mga gagawin nilang serye.

Halikan nina Eula at Gabby walang epekto kay Rocky

Kahit maituturing na isang baguhang aktor si Rocky Salumbides, ayaw niyang magtrabaho na ora-orada niyang natatanggap ang script. Gusto niyang mapaghandaang mabuti ang kanyang role at na­gagawa lamang niya ito kapag maaga niyang na­tatanggap ang kanyang script. Gaya nang nangya­yari sa Cassandra: Warrior Angel na kung saan ay gu­maganap siyang kalahating tao at kalahating ka­bayo.

“Hindi mahirap ang role, nagiging mahirap lang dahil sa  costume. Tatlong kuko ko na sa paa ang na­­matay dahil sa suot kong hooves. Pero, unti-unti na akong nasasanay,” kuwento ng alam ng lahat na boyfriend ang isa sa bida sa series na si Eula Valdez.

Nang tanungin kung hindi ba sila nagkakaila­ngan kapag nagkakasama sila sa trabaho at hindi sila ang magkapareha: “Pagdating sa trabaho, we’re both professional. Pareho kaming artista kaya alam namin kung saan kami dapat lumugar. Wala nga akong naramdamang selos nang makita ko ang kissing scene nila ni Gabby Concepcion. It was just work,” katuwiran ng bago nag-artista ay naging modelo muna.

Marami ang naiinggit na napapanatili niya ang kanyang magandang pangangatawan pero may gi­na­wa siyang indie film na kinailangan pa niyang mas magpapayat dahil mahirap ang role niya at ka­ila­ngang payat siya at hindi trimmed lang.

Mutya ng Taguig nabahiran ng isyu ng kabastusan

Gabi ng koronasyon ng Mutya ng Taguig 2013 nu’ng Sabado ng gabi. Masaya ang buong paligid na ipinagdiriwang ang anibersaryo ng pagiging lungsod ng Taguig pero, nabahiran ng kapangitan da­hil sa ginawang pambabastos ng isang staff ni Ma­yor Lani Cayetano sa inimbitahang press.

Sukat ba namang ipagtabuyan ang press na hin­di idinaan sa tamang pananalita at pakiusap ang pagpapalipat sa kanila sa kabilang kuwarto. Pa­sigaw ang pagkakasabi  niya ng “Alis kayo rito, alis kayo!” dahil may nga kasama siyang artista, na sa kuwartong kinaroroonan namin magpapahinga. Sa sobrang pagkagulat sa treatment, sa kabilang conference room na nahimasmasan  ang press at na-realize na hindi yata tama ang nangyari.

Parang ipinahiya pa niya ang press sa harap ng mga artista at ni Direk Arnel Natividad na bumati pa sa press pero nasaksihang ipinagtatabuyan  ang mga ito ng nagngangalang Bingle.

Sa labas pa lang ng room bago niya pinaalis ang media ay narinig din ng isang kasamahan ang OA na reaction ni Bingle na “Oh my God! Bakit sila nandiyan?”

Agad naman ay pinaimbestigahan mismo ni Ta­­guig PIO Lito Laparan (na super ma-pr at maasika­so) sa ilang staff na nakasaksi ng insidente at napatunayan niyang ipinahiya talaga ni Bingle ang media at nagpakita ito ng kabastusan.

 

vuukle comment

EULA VALDEZ

GABBY CONCEPCION

ROCKY SALUMBIDES

SHY

WARRIOR ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with