^

Bansa

Pinas nakikipag-ugnayan na sa international partners para sa COVID vaccine

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas nakikipag-ugnayan na sa international partners para sa COVID vaccine
Sa pahayag ng DFA, sa pamamagitan ng kanilang Foreign Service posts, ay sinimulan na nila ang koordinasyon at palitan ng impormasyon sa ibang bansa tulad ng America, Asia at Pacific, Europe, Africa at Middle East kaugnay sa development sa bakuna laban sa nasabing virus.
AFP/Andrew Caballero-Reynolds

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa iba’t ibang international partners nito para masiguro na makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa pahayag ng DFA, sa pamamagitan ng kanilang Foreign Service posts, ay sinimulan na nila ang koordinasyon at palitan ng impormasyon sa ibang bansa tulad ng America, Asia at Pacific, Europe, Africa at Middle East kaugnay sa development sa bakuna laban sa nasabing virus.

Ang mga impormasyon umano tungkol sa developments at potential international partners ay inindorso na sa Department of Science and Technology (DOST) bilang chairman ng Sub-Technical Working Group on COVID-19 vaccine clinical trials.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang DFA na suportahan ang effort ng Philippine government agencies sa pagtugon sa pandemya sa pamamagitan ng pag-secure sa bakuna para sa mga Filipino sa lalong madaling panahon.

Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas na bilang na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia na pumalo na sa mahigit 52,000 kung saan 1,314 dito ang nasawi.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with