^

PSN Opinyon

Pasaway na pulis-Pasig, sibak! – General Lee

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KUNG maaraming pasaway sa mga Pinoy sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic, may mga matigas ang ulo rin sa hanay ng kapulisan na ayaw sumunod sa  kautusan. Makikita naman sa social media sa unang mga araw sa pagbaba ng general community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na hindi sinusunod ng mga Pinoy ang social distancing at iba pang health protocols ng gobyerno. At sa hanay ng Philippine National Police mayroon ding hindi sumusunod sa mga patakaran ni PNP chief Gen. Archie Gamboa lalo na sa aspetong paggamit ng narekober na sasakyan na ebidensiya sa krimen. Habang nananalasa ang COVID sa bansa, umabot na sa 12 opisyal ng PNP, anim na enlisted personnel at 37 sibilyan ang naaresto ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) dahil sa extortion, at paggamit ng ebidensiya na sasakyan subalit parang ayaw tumino ng mga pulis. Dipugaaaa!

Ang pulis na matigas ang ulo ay si Cpl. Steven Mark Pandi, 32, na nasampolan ng mga operatiba ni IMEG chief Brig. Gen. Ronald Lee sa Pasig. Si Pandi, na naka-assign sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasig police, ay naaktuhang gumagamit ng kulay asul na Yamaha NMAX na walang plaka sa kanto ng Evangelista at Santol St., sa Bgy. Santolan. Ayon kay Lee, ang motorsiklo ay ebidensiya sa kaso ni Sigwald Peronlina, na nahuli sa drug operation noong Oktubre 2019. Dipugaaa! Kaangkas pa ni Pandi, ang live-in partner na si Mary Grace David, 25.

Ayon kay Lee katakut-takot na kaso ang isasampa ng IMEG kay Pandi, kasama na ang paglabag sa social distancing. Ano ba ‘yan? 

Ang matindi pa, nais ni Gamboa na idismiss na si Pandi dahil matagal nang bawal ang paggamit ng mga ebidensiya sa kaso. Kaya goodbye na lang sa milyones na matatanggap ni Pandi kapag nagretiro siya. Kaya ang payo ni Lee sa mga pasaway na pulis, tumigil na kayo sa kalokohan. Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with