^

Police Metro

Marcos saludo sa OFWs

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos saludo sa OFWs
“Naiintindihan namin ang mga hamon na iyong hinarap sa pagiging malayo sa iyong mga mahal sa buhay, pag-aayos sa mga bagong kultura at pagtagumpayan ang hadlang,” ani Marcos.
STAR / Rudy Santos, file

MANILA, Philippines — Binigyang pagkilala ni Pangulong Marcos Jr., ang mga overseas Filipino workers (OFWs) kasabay ng pagdiriwang ng Migrant Workers Day kahapon kasabay ang pangako na palalakasin ang ugnayan sa mga host country para matiyak ang kanilang kapakanan.

Ayon kay Marcos, mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino na nagtatrabaho sa labas ng bansa.

Sa isang video na ipinost ng Malacañang nitong Miyerkules, kinilala ni Marcos ang mga sakripisyo at kontribusyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa sa kanilang mga pamilya at sa Pilipinas.

“Naiintindihan namin ang mga hamon na iyong hinarap sa pagiging malayo sa iyong mga mahal sa buhay, pag-aayos sa mga bagong kultura at pagtagumpayan ang hadlang,” ani Marcos.

“That’s why this admi­nistration will continue to foster stronger ties with countries that host our migrant workers, ensuring safety, welfare and wellbeing. As you build your dreams in far-off lands and seas, do know that you are not alone,” ani Marcos.

Muli ring tinawag ni Marcos na mga bagong bayani ang mga manggagawang Pinoy sa labas ng bansa.

Base sa  datos mula sa Philippine Statistics Authority, mayroong humigit-kumulang 1.83 milyong manggagawang Pilipino sa ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre 2021.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with