Boosters shots lang ang ituturok sa mga botika
MANILA, Philippines — Tanging mga booster shots lamang ang ibibigay sa pilot run ng “Resbakuna sa mga Botika” program laban sa COVID-19 sa mga botika sa Metro Manila.
Ito ang nilinaw ng National Task Force (NTF) at Deputy Chief Implementer Vince Dizon at ang mga gustong magpabakuna ng una at ikalawang doses ay puwedeng magtungo sa mga klinika.
Ang mga indibiduwal na 18 taong gulang pataas, mga taong may ibang sakit o comorbidities at mga senior citizens ay maaring magpabakuna sa mga pharmacies na tutukuyin ng gobyerno.
Kabilang dito ang mga sumusunod: Generika Drugstore sa Signal 1, Taguig (Huwebes, 10 AM); Mercury Drug sa Pres. Quirino Avenue, Malate, Manila (Huwebes, 10 AM); Southstar Drug sa Marikina (Huwebes, 10 AM); Watsons sa SM Supercenter Pasig (Huwebes, 10 AM); Healthway sa Maynila (Biyernes, 10 AM); QualiMed Clinic sa McKinley Road, Makati (Biyernes, 10 AM); The Generics Pharmacy sa Edison St. Sun Valley, Parañaque (Biyernes, 10 AM); at sa Rose Pharmacy sa Visayas at Mindanao Avenues. Ang pagbabakuna ay magsisimula ngayong Huwebes, Enero 20 hanggang Enero 21.
- Latest