^

Metro

2 lalaki timbog sa pagbebenta ng ‘di awtorisadong COVID-19 test kits

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki timbog sa pagbebenta ng �di awtorisadong COVID-19 test kits
Ang mga suspek ay kinilalang sina Erwin Baluyot, 39, online seller at Rocky Victo­ring, 35.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta ng mga hindi awtorisadong COVID-19 antibody test kits sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Erwin Baluyot, 39, online seller at Rocky Victo­ring, 35.

Batay sa ulat, dakong alas-4:50 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Quezon City District Field Unit (QCDFU) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek sa isang buy-bust, na ikinasa sa Banawe St., Brgy. Sta. Mesa Heights, Quezon City, sa ilalim ng kanilang CIDG Flagship Project na “   OLEA at OPLAN SALIKOP.”

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang CIDG hinggil sa pag-o-online selling ng ilang indibidwal ng mga hindi awto­risadong COVID-19 antibody test kits.

Kaagad namang nagkasa ang mga awtoridad ng entrapment/buy bust operation laban sa Online/Facebook Account Platform na may username na “ESROHDER TOYULAB” at malaunan ay natukoy na si Baluyot, na ilegal na nagbebenta ng CLUNGENE Rapid Test kit.

Narekober mula sa mga naarestong suspek ang ?1,000 marked money na may kasamang boodle money, 200 kahon ng COVID-19 Antigen Rapid Test Kit na may tatak na CLUNGENE Rapid Test kit at may market value na ?800,000;  isang gray na Toyota Innova na may plate number na NDD-9405; isang cellphone na ginagamit sa online selling, delivery receipt at xerox copy ng Official Receipt and Certificate of Registration (OR/CR).

Ang mga naarestong suspek ay natukoy na miyembro ng Christian Criminal Group (Sta. Cruz, Manila chapter) na sangkot ng illegal online selling ng mga unauthorized COVID-19 RT/PCR Test Kit.

Sila ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9711 FDA Law. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with