^

Police Metro

Bawal magsalita sa LRT-1

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bawal magsalita sa LRT-1
Ayon kay LRMC Corporate Communications head Jacqueline Gorospe na kapansin-pansin kasi na ilang mga pasahero ang nagtatanggal ng kanilang face mask sa loob ng tren habang nakikipag-usap sa kanilang mga telepono.
STAR/Edd Gumban, file

Para iwas COVID-19...

MANILA, Philippines — Para makaiwas sa pagkalat ng coronavirus di­sease (COVID-19) ay nagpa­labas ng kautusan ang Light Rail Manila Corp. (LRMC), operator ng Light Rail Transit Line 1 na nagbabawal mag-usap o magsalita sa mga tren sa LRT-1.

Ayon kay LRMC Corporate Communications head Jacqueline Gorospe na kapansin-pansin kasi na ilang mga pasahero ang nagtatanggal ng kanilang face mask sa loob ng tren habang nakikipag-usap sa kanilang mga telepono.

“Knowing ‘yung COVID-19, nata-transmit siya through droplets, ano­ther layer of protection is if walang nagsasalita, walang lalabas na droplets,” ani Gorospe.

“We remind our passengers na kailangan po i-postpone muna ‘yung call. Or if they need to talk, kailangan nakasuot ang mask,” paalala pa niya.

Para naman maayos na maipatupad ito ay lilibot ang ilang LRT-1 marshalls at personnel.

Samantala, inianunsyo ni Gorospe na walong personnel nila ang nagpositibo sa COVID-19 nitong mga nakaraang buwan.

Nasa dalawa o tatlo na rito ang gumaling at nakakumpleto ng kanilang 14-day quarantine period.

Matatandaan na uma­bot na sa mahigit 200 kawani ng MRT-3 ang tinamaan ng COVID-19 habang ang LRT-2 naman ay nagbebenta ng tiket sa pamamagitan ng vending machine.

vuukle comment

COVID-19

LRT-1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with