^

Pang Movies

Arci nalulungkot sa pagkakawatak-watak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nalulungkot si Arci Muñoz na patuloy pa rin ang pagkakawatak-watak ng mga tao sa halip na magkaroon ng pagkakaisa lalupa’t nasa ilalim ang bansa (at ang buong mundo) ng pandemya dahil sa COVID-19.

Hindi biro ang nangyayari ngayon dahil apektado ang takbo ng ating ekonomiya, maraming establishments ang nagsara at maraming tao ang nawalan ng hanap-buhay at ang mga  nagugutom.  Pero sa halip na magkaisa at magtulungan ang lahat, nangingibabaw pa rin  siraan at vested interests ng marami. 

Paano nga naman uusad ang ating bansa?

Gayunpaman, positibo at umaasa pa rin si Arci na darating din ang panahon na muling makakabangon ang ating bansa pero ang kailangan lamang sa ngayon ay magkaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan nang sama-samang malabanan ang pandemya.

Samantala, kasama nito ang kaibigang actor na si JM de Guzman na pumasok sa military training sa Philippine Air Force bilang Air Force reservist na kanilang sinimulan last June 12, 2020.

Magkaibigan sina Arci at JM sa totoong buhay pero nang tanungin siya kung puwede ba silang magkaroon ng relasyon ng actor, malabo raw itong mangyari dahil matagal na silang magkaibigan ng singer-actor since their college days pa sa U.P. 

Ang dalawa ay nagtambal sa pelikulang Last Fool Show at sa afternoon TV series na Pamilya Ko.

Sarah malapit na malapit sa kapatid ni Matteo

Alam mo, Salve A., hindi talaga maikakaila ang pagiging close ng pop superstar na si Sarah Geronimo sa pamilya ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli na nag-umpisa nung magkasintahan pa lamang sila. Visible ang una sa mga special family gatherings ng Guidicelli family.

Nang mag-pakasal ang elder sister ni Matteo na si Giorgia Guidicelli kay Atty. Ian Dato nung nakaraang December 2019 ay tumayo si Sarah bilang Maid of Honor. Naroon din ang mag-asawang Sarah at Matteo sa gender reveal ng magiging first baby nina Giorgia at Ian recently at baby girl ang magiging unang pamangkin ni Matteo sa kapatid.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with