^

Pang Movies

Trending docu ni Atom, mapapanood uli

Pang-masa
Trending docu ni Atom, mapapanood uli
Atom

MANILA, Philippines — Matapos pusuan ng viewers at netizens nitong Linggo, muling mapapanood ang The Atom Araullo Specials’ “COVID-19: Nang Tumigil ang Mundo” ngayong Biyernes (June 5) sa GMA News TV, sa ganap na 8:30 pm.

Pinag-usapan ang nasabing episode ng The Atom Araullo Specials kung saan pinuri ng publiko ang komprehensibong paglalahad ng programa sa iba’t ibang mukha ng COVID-19. Naging top trending topic pa sa Philippine Twitter ang #NangTumigilAngMundo”.

 Ilang buwan ring binuo ng programa ang dokyu mula nang ipinatupad ang community quarantine. Ipinakita ni Atom dito kung papaano naaapektuhan nang husto ng COVID-19 ang buhay ng mga Pinoy lalo na ang mga mahihirap at frontliners.

Janine, may kanta para sa mga hindi pinili 

Tanggap na ni Janine Berdin na hindi mapapasakanya ang taong mahal niya sa kantang Wala Ako N’yan, na ni-release sa ilalim ng Star Music at iprinodyus ng TNT Records.

Isinulat ito ni Janine na in-arrange ni Mhonver Lopez, at iprinodyus nina Chochay Magno at Jessa Gregorio. Executive producer naman ng kanta si TNT Records head Pete Dizon.

Mayroon naman daw na magandang mensahe ang kanta.

“Nagpapaalala rin siya na hindi ka nag-iisa, na hindi lang ikaw yung nakakaramdam ng ganito na may taong nandyan para sa’yo,” ayon sa Gem of OPM.

Samantala, umani naman ng papuri ang kakaibang voice quality at madamdaming pagkanta ni Janine, na ipinarating ng mga tagapakinig sa official music video ng kanta sa YouTube.

Mula nang manalo siya sa Tawag ng Tanghalan, naging interpreter si Janine ng kantang Mas Mabuti Pa para sa Himig Handog 2018, kung saan itinanghal ang awitin bilang 4th Best Song. Inawit naman niya ang Sa’yong Mundo para sa Himig Handog 2019. Siya rin ang kumanta ng theme song ng hit Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto na Nasa Puso.

Tumanggap rin ng pagkilala si Janine mula sa Philippine Air Force noong 2018 at kinilala bilang Promising Female Music Artist ng World Class Philippines Council 2019.

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with