^

PM Sports

Kanselasyon ng karera

Pang-masa

MANILA, Philippines — Muntik nang makansela ang karera nitong Sabado sa Santa Ana Park.

Naghintay ang mga karerista ng halos isang oras at kalahati para malaman lang kung matutuloy o hindi ang naturang karera noong Sabado.

Ang nakarehistrong oras ng pagsisimula ng karera sa ika-4 ng hapon para sa unang karera na magaganap.

Pero lagpas na ng ika-5 ng hapon ay hindi pa nagsisimula.

Hinintay naman ito ng bayang karerista dahil gusto nilang matuloy ang naturang karera.

Alas-5:30 na ng hapon nailarga ang unang karera.

Dito napanood ng mga karerista ang pagtakbo ng kabayong Hitting Spreed na pinapatok sa naturang Group-1/2 merged at nalaban nito ang mga pande-unong mga kabayo sa naturang grupo.

Umusbong ang naturang karera na ang manalo ay ang Icon na pag-aari at inilaban ni Atty. Narciso O. Morales ang nagdala ng trangko.

Ang inakala ng marami na hindi na ito maabutan dahil sa ito pa rin ang nangunguna sa huling 400 meters ngunit rumemate ang Hitting Spree na naka-break pa mandin ang hinete nitong si Kelvin B. Abobo.

Nanalo pa ang panlaban ng Santa Clara Stockfarm na Hitting Spree na malayo sa mga kalaban. Nasegundo ang Icon bago tersero ang Hookbung Dagat at pang-apat ang Hot And Spicy.

Naorasan itong Hitting Spree sa distansiyang 1,200 meter sa bilis na 1:11-4/5. JMacaraig

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with