^

PM Sports

Song of Songs namayagpag sa 1st leg ng 4yo Local & Above Stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang kabayo ni Benhur Abalos Jr. na Song Of Songs ang nagkampeon sa 1st leg ng Local Four Year Old & Above Stake race na ginanap sa karerahan ng Santa Ana Park, sa Naic, Cavite.

Ang anim na taong babaeng abuhing kabayo na nirendahan ni Jonathan B. Hernandez ay nag-abang lamang nang pagkakataon para makasingit sa mahigpit na labanan para unang puwesto.

Una nang naniguro sa puwestuhan ang bumanderang Salt And Pepper na sinakyan ni Pat Dilema at agad din itong nilutsa ng isa pang sprinter na Lakan na ginabayan naman ni Andrew R. Villegas.

Sa malaking bahagi na labanan ay halos ang dalawang kabayong ito lamang ang nag-aagawan sa unang puwesto at tila nanonood lamang ang iba pa para makatiyempo ng pagkakataong makasingit sa dalawang kabayo.

Pagdating sa huling kurbada ay ang Salt And Pepper pa rin ang nangunguna pero naroroon na rin ang mga kalabang Electric Truth na sobrang lakas ang tawag ng race announcer.

Nagpaparemate na rin sa may tabing balya ang Pinagtipunan, isang dehado na sinakyan ni Mark M. Gonzales gayundin ang Song Of Songs na ginabayan naman ni Jonathan B. Hernandez.

Sa rektahan ay nangunguna na ang Electric Truth na si Fermando M. Raquel Jr ang patong at ang Salt And Pepper ay tila nangangapos na.

Biglang sumulpot sa may gitna ang Song Of Songs ni J.B. Hernandez na siya palang mananalo sa naturang karera na may dalawang horselenght pang layo sa Electric Truth.

Tumersero rito ang Pinagtipunan na nirendahan ni Mark M. Gonazales at pang-apat lang sa premyuhan ag Salt And Pepper.

Ang panalo ay nangahulugan ng unang premyo P300,000 para kay Benhur Abalos Jr., na may-ari sa Song Of Songs. Ang runner-up purse na P112,500 ay napunta sa Electric Truth.

Ang third prize na P62,500 ay naiuwi ng koneksyon ng Pinagtipunan at ang fourth prize na 25,000 ay napunta naman sa Salt And Pepper

Naiuwi rin ni Song Of Songs ang breeders purse na P15,000. JMacaraig

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with