Kailangang magpahinga ni Durant
OAKLAND - Halos dalawang linggong magpapahinga si Golden State Warriors forward Kevin Durant matapos makita sa kanyang MRI ang isang fractured rib.
Sinabi ng Warriors na ang reigning NBA Finals MVP ay irere-evaluated makalipas ang dalawang linggo kaya walang katiyakan kung kailan makukuha ng tropa ang serbisyo ng sharpshooting small forward na kanilang leading scorer.
Bago ang injury ni Durant ay naglalaro ang Warriors na wala sina two-time league MVP Stephen Curry, may right ankle sprain at All-Star guard Klay Thompson. Sa Marso 22 pa inaasahang makakabalik bunga ng fractured right thumb.
Pumapangalawa sa kasalukuyan ang Golden State sa Western Conference.
- Latest