^

PM Sports

Zarks-Lyceum, Go For Gold-CSB maghahabol ng playoff spots

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa hangad na makapagbuga pa ng huling birada sa kanilang kampanya tungo sa playoffs, magpapangbuno ngayon ang Zark’s Burgers-Lyceum at Go For Gold sa krusyal na sagupaan sa umiinit na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nakatakda ang sagupaan sa ganap na alas-2 ng hapon kung saan asam ang pananatiling buhay ng parehong koponan ang pag-asang makapasok sa playoffs papalapit sa dulo ng 12-koponang liga.

Anim lamang ang papasok sa playoffs at sa kasalukuyan ay kumakatok sa ikapito at ikawalong puwesto ang Zark’s at Go For Gold, ayon sa pagkakasunod.

Tangan ang 4-4 kartada, susubok ang Jawbreakers na maiganti agad ang masalimuot na 106-107 pagkakasilat sa Gamboa-St. Clare noong nakaraang Martes.

Naatasang manguna para sa pagbalikwas ng Zark’s-Lyceum sina JC Marcelino at Mike Nzeusseu matapos ang tig-20 puntos na kinamada nsa kanilang nakaraang laban.

Sa kabilang banda, pareho rin ang nais na magawa ng Scratchers na hangad maiganti agad ang masaklap na 88-91 kabiguan sa Wangs Basketball-Letran nitong nakaraang Martes.

Gigiyahan nina Matt Salem, Jayjay Alejandro, Jerwin Gaco at ang bagong saltang si Paul Desi-derio ang Scratchers upang manatili sa kontensiyon sa naturang torneo.

Samantala sa unang laro sa alas-12 ng tanghali, susubok din wakasan ng kapwa namomroblemang koponan ng University of  Perpetual Help System-Dalta at AMA Online Education ang kanilang mga sunud-sunod na kabiguan upang manatiling nasa kontensyon.

Nasa 2-5 baraha, buhay pa ang pag-asa ng Altas na makapasok sa susunod na round kung mawawalis nito ang huling apat na laro.

Hawak naman ang 1-6 marka, ang isa pang kabiguan ay magtatanggal na rin sa Titans sa kontensyon.

Babandera para sa Altas sina Keith Pido at Prince Eze kontra naman kina Robbie Manalang at Mac Andaya ng Titans.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with