^

Kutob

Marso 18, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mag-ingat sa mga gamit lalo na sa mga alahas at pera, itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho at pamilya. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at ocean blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magkakaroon ng maraming aktibidad subalit pagtuunan ng pansin ang dobleng pag-iingat sa mga pangyayari. Dapat tapusin ang nasimulan bago magsimula ng panibagong gawain. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na kung tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak na umalis ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 25, 43, 45 at sun yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharapin na pagsubok sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at crimson.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang kapwa Gemini. Makakasagupa ng kagipitan ng pera kung hindi magiging maingat sa paggastos. Hindi maiiwasan na magselos o pagseselosan ka. Malaking papel ang gagampanan ng Cancer o Pisces. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung wala pang asawa, matutuon ang panahon at atensyon sa pagpaplano tungkol sa pag-aasawa o pagpapakasal. Kung married, matutuon ang pansin sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid na kakaibang balita ang may inisyal na A o B. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Taurus o Aries. Lucky numbers at color for the day ay 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Malamang makakasagupa ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi makakalimutang experience. Mapagtutuunan ng panahon ang mga binabalak at ambisyon. Haharap sa maraming katanungan kaya nakasentro ka sa highest pick ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 43 at corn yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung may balak na maglakbay, malapit man o malayo, maisasakatuparan ng walang sagabal. Mauunawan kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay at mahahanapan ng solusyon para manumbalik ang harmoniya. Stable ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 20, 32, 39 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) Ingatan ang kalusugan. Walang sagabal sa aspeto ng pag-ibig at maipapamalas ang pagka-artistic. Kailangan ang maselang pagpaplano tungkol sa pinansiyal. Magplano at hanapin ang paraan para magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o Pisces ay maaaring makatulong sa kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Ipokus ang gawain sa pag-iinvest sa trabaho na may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon at desisyon. Matutuon ang atensiyon sa basic issues tulad ng pet care, general health o kung papaanong mapapaunlad ang ikabubuhay. Malaki ang magiging bahagi ng Taurus, Capricorn o Aries. Maging kalmado at huwag magpabigla-bigla kung may hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kalituhan ang hatid ng Aries na maaaring pagmulan ng selos o inggit. Malaki ang magiging papel ng Scorpio para mapokus ang atensyon sa pag-aabroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon na ang pangalan ay nagsisimula sa A, C at D. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Malaki ang magiging bahagi ng Pisces na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailangan, timbangin ang mga pangyayari. May magandang balita ang kapwa Aquarius. Magbibigay ng aspetong legal ang Capricorn. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with