^

PSN Showbiz

Anne at Dingdong ga-graduate sa kolehiyo nang hindi pumapasok sa eskuwela

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami sa atin ang siguradong magtatanong kung anong eskuwelahan ba itong puwedeng ma­ka­tapos ng college kahit hindi pumasok o kung pumunta man sa nasabing paaralan na tulad ni Dingdong Dantes ay minsan lamang sa isang buwan. Si Anne Curtis kahit naka-enrol sa Australia ay maaari pa ring manatili rito sa bansa at ipagpatuloy ang kanyang trabaho

Sa open university sa Australia naka-enrol si Anne. Nakakuha na siya ng English literature. At sa pasukan, early education naman ang sasabakan niya dahil gusto niyang maging teacher sa pre-school someday. Kung dito siya mag-aaral imposible siyang nakatapos pero sa bansa na kina­lakhan niya ay puwede siyang hin­di pumasok at kahit pakonti-konti lamang ang units na kunin niya. ’Yung English literature ay puwedeng ma-credit sa early education na kukunin niya.

Si Dingdong ay kumukuha ng technology management sa West Negros University na matatagpuan sa Bacolod City. Minsan isang buwan lamang siya pumasok.  Kapag natapos niya ang kanyang kurso ay kukuha siya ng masteral degree. Isa siya sa kakaunting artista na sikat at abalang-abala na gustong makatapos ng pag-aaral kaya kahit malayo ay sumabak na siya. Tutal ay minsan isang buwan lamang siya kailangang magpakita sa pa­aralan. Sa Bacolod niya naisipang mag-aral da­hil itinuturing niyang pangalawang tahanan ang Iloilo. Taga-roon ang pamilya ng kanyang ina.

Ibinuking ni James na pagpapakasal inamin nina Angel at Phil

Balitang-balita ang planong pagpapakasal nina Angel Locsin at Phil Younghusband. Ang kapatid ni Phil na si James Younghusband ang nagsabi nito sa isang programa sa telebisyon. Hindi naman ito itinanggi ng mag-nobyo na umaming napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa pagpapakasal pero kung kailan ito magaganap ay hindi pa nila alam.

Ang sinabi lang nila ay sigurado na sila sa isa’t isa at kahit gaano sila kabala sa kani-kanilang mga gawain ay palagi ang komunikasyon nila. May tiwala sila sa katapatan ng isa’t isa at naiintindihan nila ang trabaho ng isa’t isa.

Love story nina Ser Chief at Maya mamamaalam na

Wala naman talagang hindi nagkakagusto sa Be Careful with My Heart. ’Yung anak kong doctor ay hinahabol pa ito sa I Want TV para lamang hindi siya maka-miss ng episode. At kilig na kilig siya habang pinanonood ang serye. Paborito niya si Ser Chief. Meron siyang signed photo ni Richard Yap na nakapatong sa mesa niya sa ospital na kung saan siya ay nanggagamot.

Bakit mo naman hindi gugustuhin ang serye eh napaka-simple lamang ng istorya tungkol sa isang mag-amo na nagka-debelopan? Hanggang ngayon na nakakadama na sila ng kakaibang damdamin sa isa’t isa ay napaka-simple pa rin ng kanilang courtship at matangi sa hawakan ng kamay at yakapan, walang eksena na hindi puwedeng panoorin ng mga bata. Walang mga eksena na iniiwasang tingnan ng mga apo ko na tulad ng ibang mga serye na bukod sa nagtataglay ng mga kissing scene na nahihiya silang tingnan ay may mga bayolente pang eksena na katatakutan ng mga magulang na ipapanood sa kanila.

Nakalulungkot nga na nalalapit na ang pagtatapos nito. Bagama’t walang sinasabi ang ABS-CBN, nakikita na sa takbo ng istorya ang magandang wa­kas nina Maya at Ser Chief. Ayaw mo namang masira ang istorya at masuya ang manonood kapag pina­lawig mo pa o pinatagal ang istorya nila. Gaano man kaganda ang mga pamilya nina Ser Chief at Maya, gaano man ka-lovable ang mga taong umiikot sa kanilang paligid, kailangan din nilang mamaalam. Let us just hope na makaisip ang Dos ng isa pa mu­ling magandang serye hindi lamang para sa lahat ng cast kundi lalo na sa bagong idolo ng bayan na si Richard Yap.

vuukle comment

ISA

NIYA

RICHARD YAP

SER CHIEF

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with