^

Pang Movies

Tito Sotto planado na ang lilipatan?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Replay ng isa nilang show ang ipinalabas bagama’t nasa studio ang lahat ng mga host ng Eat Bulaga, hindi sila pinayagan ng kanilang managemant na pumasok on the air. Natunugan daw na sila ay magpapaalam na sa show noong Miyerkules.

Kasabay nito, kumalat na rin ng kanilang diumano’y pag pirma ng kontrata sa panibagong network kung saan sila lilipat, kasama ng iba pang mga dabarkad.

Naganap diumano ang pirmahan noon pang Lunes, pero Miyerkules nga ang binalak nilang pagpapaalam.

Sa broadcast, maging sa radyo man o telebisyon, ang sinusunod na protocol noong araw pa ay hindi pinapayagan ang pagpapaalam on the air. Kaya nga naiintindihan namin kung bakit hindi sila pinayagan ng kanilang bagong management na mag-broadcast on the air. Dahil kung on the air na sila, hindi na sila maaawat kung ano man ang gusto nilang sabihin.

Kaya sa Internet streaming sila nagpaalam na marami pa ring nakapanood.

Kinahapunan, may interview si former Senator Tito Sotto sa programa nina Julius at Tintin Babao sa TV5 at may lumabas nang ilang detalye ng lipatan.

Tiyak namang malakas pa rin ang Eat bulaga.

Makukuha pa rin nila ang kanilang audience pero baka hindi lahat. Napaaga nga yata ang pangyayari. Noon pa man ay may bulung-bulungan nang sasabihan nang magretiro ang TVJ, na siyempe masakit para sa kanila dahil sila ang nagsimula ng show.

Hindi natin alam kung ano ang magiging kasunod na pangyayari at kagaya nga ng sinasabing madalas, “abangan ang susunod na kabanata.”

Aaron, sumabak na rin sa soft porn     

Nung napanood namin iyong pelikulang ­Heneral Luna, napansin namin ang aktor na si Aaron ­Villaflor, isang fictitious character lang naman ang kanyang ginampanan, bilang isang journalist na sumusubaybay sa mga galaw ni Heneral Luna. Pero maga­ling siya sa pelikulang iyon. marami na rin naman ang nakakapansing mahusay siya, pero matagal nga bago dumating ang malalaking break, kaya nga hindi kami nagulat nang mabalitaan naming sasabak na siya sa mga sex movie.

Ngayon nga makikita mo na siyang nakahubad sa mga Internet websites bilang bahagi ng kanyang mga ginagawang sex films.

Nakalulungkot na ng isang magaling na aktor na gaya niya ay babagsak lang sa soft porn.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with