^

Bansa

Signal no. 2 nakataas pa sa Batanes, ilang Cagayan areas dahil kay 'Betty'

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 2 nakataas pa sa Batanes, ilang Cagayan areas dahil kay 'Betty'
Huling naobserbahan ang mata ng bagyong "Betty" sa layong 350 kilometro silangan ng Bsco, Batanes kaninang 4 a.m.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Patuloy na humihina ang Typhoon Betty habang kumikilos ang bagyo sa dagat silangan ng Batanes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Martes.

Huling naobserbahan ang mata ng bagyong "Betty" sa layong 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang 4 a.m.

  • Lakas ng hangin: 150 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 185 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilaga hilagangkanluran
  • Pagkilos: 10 kilometro kada oras

"Minor to moderate impacts caused by gale-force winds remain possible within the areas where Wind Signal No. 2 is hoisted. Minimal to minor impacts from strong winds (i.e., strong breeze to near gale strength) are also possible within any of the areas where Wind Signal No.1 is currently in effect," wika ng PAGASA sa isang pahayag.

"The enhanced Southwest Monsoon and outer periphery of the typhoon circulation will also bring occasional gusts in the next 24 hours over Bicol Region, Western Visayas, Aurora, Quezon, Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, Northern Samar, and the rest of Cordillera Administrative Region and Ilocos Norte that are not under any Wind Signal."

Nakikita ang "minor to moderate threat to life and property sa mga sumusunod na lugar dahil sa Tropical Cyclone Wind Signal 2, na siyang nagbabanta ng "gale-force winds":

Signal No. 2

  • Batanes
  • hilagangsilangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kasama ang Babuyan Islands

Samantala, "minimal to minor threat to life and property" naman ang maaaring idulot ng bagyo sa mga lugar na nasa TCWS no. 1 dulot ng malalakas na hangin:

Signal No. 1

  • nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
  • hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
  • silangang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
  • Apayao
  • hilagang bahagi ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
  • hilagangsilangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)

Posible naman ang 50-100 millimeter rainfall sa mga sumusunod na lugar ngayong araw hanggang bukas ng umaga sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands, hilagangsilangang bahagi ng mainland Cagyaan, timog bahagi ng Ilocos Sur at hilagang bahagi ng La Union.

Dahil dito, maaaring mangyari ang ilang pagbahagi at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar kung saan ito madalas mangyari batay sa mga hazard maps at sa mga lokalidad na binagsakan nang maraming pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Posible makaalis ng PAR sa Biyernes

Bagama't maaaring lumakas nang bahagya ang bagyo sa susunod na 12 oras, nakikitang kikilos ang bagyong "Betty" nang mabagal ngayong araw hanggang Miyerkules habang pumipihit ito pahilaga sa mga katubigan silangan ng Batanes.

"Afterwards, the typhoon will gradually accelerate north northeastward on Thursday and northeastward on Friday, bringing its center over the waters southeast of the Ryukyu Islands," dagdag ng state weather bureau.

"Typhoon BETTY may exit the Philippine Area of Responsibility on Friday."

Batay sa forecast, nakikitang patuloy na hihina ang typhoon sa susunod na limang araw dahil sa malamig na mga karagatan, dry air intrusion, at papatinding vertical wind shear.

Posibleng ibaba patungong severe tropical storm category ang sama ng panahon sa Huwebes o Biyernes, hanggang sa maging tropical storm ito sa Biyernes o Sabado.

vuukle comment

BETTY

PAGASA

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with