Real estate agent na convicted sa kasong illegal drugs, arestado
MANILA, Philippines — Kalaboso na sa Bilibid ang isang real estate agent na convicted sa kasong droga matapos madakip sa Cavite, kamakalawa.
Hawak na ng Las Piñas City Police Station-Warrant and Subpoena Section ang convicted sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na si Glenn Flor Del Castillo, alyas Cop na kilala rin sa pangalang Glenn Del Castillo, 43.
Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang matunton at madakip ng Las Piñas Police Warrant Section si Del Castillo sa Molino-Paliparan Rd. Sa harapan ng Diamond Village, Brgy Salawag, Dasmariñas Cavite.
Si Del Castillo ay nasentensyahan ng guilty sa nasabing kaso ni Judge Anne Beatrice Aguana Balmaceda ng Regional Trial Court Branch 200, Las Piñas City na nag-isyu ng Service of Sentence (convicted) noong Agosto 12, 2022.
- Latest