Lider ng ‘gun-for-hire’ timbog sa ‘Coplan South’
MANILA, Philippines — Nalambat ng mga awtoridad ang isang gun-for-hire leader na top most wanted person ng Region 6, sa ikinasang operasyon sa Makati City, kamakalawa.
Kinilala ang naarestong wanted na si Elfran Bagatnan, alyas “Pedoy”, 31 anyos, lider ng “Bagatnan Gun-for-Hire Criminal Gang”.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong alas 12:09 ng hapon ng Hunyo 1, 2023 nang madakip si Bagatnan sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City ng magkasanib na pwersa ng Guadalupe Sub Station, Makati City Police Station, Estancia MPS, IPPO PDEU-PSOG, RIU6, AKG VFU, IG CID, IG QCDIT, WCPD LFU, CIDG Iloilo CFU, IPPO PIU, Makati CPS SIS, Makati CPS SWAT, Barotac Viejo MPS, Ajuy MPS, at 2nd IPMFC.
Isinilbi ang dalawang warrant of arrest na inisyu nina Presiding Judge Oscar Sancho Billena, ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 66, Barotac Viejo, Iloilo, at Assisting Judge Oscar Sancho Billena, ng RTC, Sixth Judicial Region, Branch 70, Barotac Viejo, Iloilo, sa parehong kasong murder at walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay bahagi ng “Coplan South” na layong maaresto ang mga high-value criminals at malansag ang organized crime networks sa bansa.
- Latest