^

Metro

Koreanong tumakas sa BI jail balik-kalaboso: 1 kilong shabu nasamsam

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean national na tumakas kamakailan sa BI warden facility nang matunton ito sa isang condomi­nium sa San Juan City.

Inaresto nitong nakaraang Lunes ng BI intelligence division ang 38-taong gulang na si Kang Juchun, sa may N. Domingo St., Brgy. Ermitano, sa naturang lungsod.

Matatandaan na na­gawang makatakas ni Kang noong Mayo 21 nang tumalon sa pe­rimeter fence ng BI warden facility sa Ta­guig City nang mapag-aralan ang ‘blind spot’ ng CCTV camera.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na iika-ika pa si Kang nang dakpin ng kaniyang mga tauhan.

Posibleng nasaktan siya nang bumagsak mula sa 20-talampakan na pader.

Nabatid na nahaharap si Kang sa kasong murder at abandonment of a dead body sa Seonsan Branch of the Daejon District Court.

Tinakasan niya ang kaso ngunit nadakip siya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 paglapag niya sa Pilipinas noong Pebrero.

Dalawa pang Koreano ang inaresto ng BI dahil sa pagtatago kay Kang. Kinilala sila na sina Lim Kyung Sup, 43, at Kim Mi Kyung, 39, na nadiskbure sa kinakaharap ring mga kaso sa Korea at mga overstaying aliens.

Lalo pang nadiin ang mga suspek nang makadiskubre ang pulisya ng isang kilo ng hinihinalang shabu sa kanilang posesyon na may halagang P10.2 milyon.

Nahaharap sila nga­yon sa kasong pag­labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasama ng BI sa operasyon ang mga tauhan ng Philippine National Police SMART, San Juan City Police Station Intelligence Branch, MIG 46 SIF, MFC-DI, NISG NCR, at NBI-AOTCD.

vuukle comment

ARRESTED

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with