^

Metro

41 residente, tumanggap ng titulo ng lupa mula sa Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na iniabot ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang titulo ng lupa sa kinatitirikan ng bahay ng may 41 mga residente sa lungsod.

Ang hakbang ay bahagi ng programang palupa ng QC government .

Ang pamamahagi ng titulo ng lupa ni Mayor Belmonte  sa 41 mga residente  ay bilang mandato na mabigyan ng kasiguraduhan ang pabahay sa lungsod.

Ang inisiyatibong ito ay bahagi ng programang ‘Direct Sale’ sa ilalim ng Socialized Hou­sing Projects ng QC na naglalayong mabigyan ng maayos at abot-ka­yang pabahay ang mga nangangailangan.

Ang ‘Direct Sale’ ay magsisilbing paraan upang maging lehitimong may-ari ng lupa ang mga residente na matagal nang naninirahan sa lote sa kundisyong mabayaran ang halaga o katumbas na presyo ng lupa alinsunod sa terms of payment ng QC.

vuukle comment

JOY BELMONTE

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with