^

Metro

Scammer na Taiwanese timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa kaniyang bansa dahil sa panggagantso, sa ikinasang operasyon sa isang condominium sa Ermita, Maynila ka­makailan.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Yin Chih Chou, 40, na natunton sa tinutuluyan nitong condo unit sa Adriatico, Ermita.
Inaresto siya sa bisa ang mission order makaraang hilingin ng gobyerno ng Taiwan. Agad siyang ipade-deport dahil sa overstaying at pagi­ging undocumented alien makaraang kanselahin ng Taiwan ang kaniyang pasaporte.

Nabatid na sangkot sa isang scam sa Taiwan si Chou na tumangay ng malaking halaga ng salapi sa kaniyang mga biktima. Nag-aalok umano ng mga ‘fine goods at luxury items’ sa murang halaga si Chou at tatanggapin ang pera ng kaniyang mga biktima gamit ang mga dummy accounts na kaniyang ibinubulsa.

Sa Makati City, nadakip sa may central business district nitong Mayo 10 ang 30-taong gulang na Chinese national na na si Zheng Zongyi, dahil sa overstaying at iligal na pagtatrabaho sa bansa.
Noon pang 2021 nasa wanted list ng BI si Zheng makaraang hindi na umalis ng bansa simula nang dumating siya dito noong Nobyembre 22, 2019.

Parehong nakaditine na sa BI Detention Faci­lity ang dalawa habang hinihintay ang kanilang deportasyon. Nakatakda rin silang ilagay sa blacklist ng BI upang hindi na makapasok muli ng Pilipinas.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with