^

Metro

P54 milyong smuggled diesel, nakumpiska ng BOC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa P54 milyong halaga ng mga smuggled diesel ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence Group sa loob ng MV Veronica-1 sa subport ng Sual, Pangasinan, kamakailan.

Ang naturang joint operation ay isinagawa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BOC at Enforcement and Security Service (ESS) at ng Port Operations Division ng Subport of Sual, kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP) Maritime Group, at local PNP.

Nakumpiska ng grupo ang tinatayang aabot sa 1,350 kilolitres ng smuggled diesel fuel na nagkakahalaga ng P54 milyon mula sa 12 compartments ng barkong MV Veronica-1.

Pinuri naman ni Customs Commissioner Bien Rubio ang matagumpay na operasyon.

Sa kanyang panig, binigyang-diin ni CIIS Director Verne Enciso ang kahalagahan ng inter-agency coordination.

Habang nagiging mapangahas ang mga smuggling groups sa kanilang mga aktibidad, iginiit niya ang pangangailangan ng mas pinalakas na koordinasyon na magreresulta sa mas matatagumpay na mga operasyon.

Ipinag-utos naman ng Port of San Fernando ang agarang pagkumpiska sa mga smuggled diesel at sa may dala ditong barko, bilang pagtalima sa pertinent Customs laws, rules, and regulations.

Tinukoy ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy kung paano ang gina­wang mabilis na aksiyon ng kanilang intelligence agents na nagresulta sa pagkuha ng kinakaila­ngang impormasyon upang maaresto ang barko at makumpiska ang smuggled diesel.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with