^

Metro

DepEd: Early registration para sa School Year 2023-2024, simula na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DepEd: Early registration para sa School Year 2023-2024, simula na
This undated photo shows the Department of Education allowed enrollment through the drop box system.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pormal nang sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang early registration para sa School Year 2023-2024.

Sa isang abiso, sinabi ng DepEd na sinimulan nila nitong Mayo 10 ang early registration para sa incoming kindergarten, Grades 1, 7, at 11 learners sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa para sa susunod na academic year.

Magtatagal anila ito sa loob lamang ng isang buwan, o hanggang sa Hunyo 9, 2023.

Ayon sa DepEd, mahalaga ang early registration upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapagsagawa ng mga kinakailangang paghahanda at adjustments sa plano nila para sa SY 2023-2024.

Nilinaw naman ng DepEd na ang mga incoming Grades 2, 3, 4, 5, 6, 8, 9, 10, at 12 learners naman mula sa public schools ay ikinukonsidera nang pre-registered at hindi na kailangang lumahok sa early registration.

Kaugnay nito, hinikayat ng DepEd ang mga pribadong paaralan na magsagawa rin ng kani-kanilang early registration activities sa nasabing panahon.

Sinabi ni DepEd na face-to-face ang magiging transaksiyon para sa early re­gistration.

Gayunman, maaari rin anilang ipagpatuloy ng mga paaralan ang pagpapatupad ng iba pang paraan upang makakolekta ng registration forms.

Ang mga Schools Division Superintendents at school heads naman ang mangu­nguna sa advocacy campaigns sa kani-kanilang hurisdiksiyon at paghikayat sa mga out-of-school children at mga magulang at guardians na lumahok sa early registration.

Inaatasan din ang lahat ng public elementary at secondary schools na mag-update o mag-encode araw-araw sa early registration facility sa Learner Information System (LIS) gamit ang school head o administrator account.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with