^

Metro

MRT-3 stations sa pick-up at drop off points ng EDSA Bus Carousel, bukas pa rin sa Mahal na Araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na mananatili pa ring accessible ang mga train stations nila na malapit sa pick-up at drop-off points ng EDSA Bus Carousel sa Holy Week upang madaanan ng mga pasahero.

Ito ay sa kabila ng pansamantalang tigil-operasyon ng MRT-3 mula Abril 6 (Huwebes Santo) hanggang Abril 9 (Linggo ng Pagkabuhay), upang magbigay-daan sa taunang Holy Week maintenance activities ng rail line.

Sa paabisong inilabas ng MRT-3, nabatid na ang mga istasyon na mananatiling accessible sa mga komyuter ng EDSA Bus Carousel ay ang North Avenue station, Quezon Avenue station, Santolan station, Ortigas station, Guadalupe station, at Buendia station.

Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng MRT-3 ang mga komyuter na gumamit ng alternatibong mga transportasyon, gaya ng EDSA Bus Carousel, sa darating na Semana Santa.

Anang MRT-3, magbabalik ang regular na operasyon ng MRT-3 sa Abril 10, Lunes.

Una na rin namang nag-anunsiyo na magtitigil ng operasyon mula Abril 6 hanggang 9 ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ang Philippine National Railways (PNR).

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with