^

Metro

Provincial buses, papayagan sa EDSA sa Semana Santa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Provincial buses, papayagan sa EDSA sa Semana Santa
Commuters ride the EDSA carousel busway at the Nepa Q-Mart station as traffic starts to build up along EDSA in Quezon City for the morning rush on January 24, 2023.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Papayagang dumaan sa kahabaan ng EDSA ang lahat ng mga provincial bus sa panahon ng Semana Santa, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes.

Sa advisory ng MMDA, mula Abril 3 hanggang 5, ang mga panlalawigang bus ay papayagan sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw; at mula April 6 hanggang 10 ay round-a-clock na silang makakadaan.

Ito umano ay upang ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pupunta sa mga probinsya para sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Ang mga Northern Luzon route ay magtatapos ang biyahe sa mga terminal sa Cubao, Quezon City, habang ang manggagaling naman sa Southern Luzon ay sa  terminal ng bus naman sa Pasay City.

Ito ay upang bigyang-daan ang mga provincial bus na ma-accommodate ang inaasahang mataas na bilang ng mga pasaherong pupunta sa probinsya para sa panahon ng Kuwaresma at matiyak ang kaginhawa­han at kompor­tableng kondis­yon ng mga commuter.

vuukle comment

BUS

EDSA

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with