^

Metro

2 huli sa P2.6 milyong cocaine

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 huli sa P2.6 milyong cocaine
Ang mga nadakip na suspect na sangkot sa pagbebenta ng cocaine sa mga disco clubs at pub sa Metro Manila at Angeles City.

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagbebenta ng cocaine sa mga disco club at pub sa Metro Manila at Angeles City .

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakilala ang mga naarestong suspek na sina Aaron Nari Gidwani, 37; at  Mark Paul Idhaw Pagayon, 41. 

Lumilitaw na dakong alas-10:40 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng PDEA Region III - Pampanga Provincial Office, PDEA CALABARZON at local police, ang mga suspek sa buy-bust operation sa harapan ng isang sikat na theme park, sa Brgy. Balibago, sa Sta. Rosa, Laguna.

Kaagad na pinosasan ang mga suspek nang bentahan nila ng 500 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P2,650,000 ang mga undercover cops.

Bukod sa cocaine at marked money, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang itim na Suzuki Smash motorcycle.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with