^

Metro

1.2 milyong pasahero pinaghahandaan ng PITX

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1.2 milyong pasahero pinaghahandaan ng PITX
Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan nilang magsisimulang dumagsa ang mga pasahero sa terminal simula sa Biyernes, Marso 31.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ngayon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang inaasahang pagdagsa ng may 1.2 milyong pasahero na bibiyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitain ang Mahal na Araw sa susunod na linggo.

Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan nilang magsisimulang dumagsa ang mga pasahero sa terminal simula sa Biyernes, Marso 31.

Anang PITX, ngayon pa lamang ay halos fully booked na ang mga regular na biyahe ng bus patungo sa Bicol at Visayas para sa Mahal na Araw.

Sa kabila nito, tiniyak ng PITX na magde-deploy sila ng mga ka­ragdagang unit upang ma-accommodate ang mga pasaherong hindi pa nakapag-booked ng biyahe.

Nabatid na nag-isyu na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits sa may 22 bus units para sa karagdagang biyahe patungong Bicol.

Marami na rin umano ang mga pasahero na patungong norte, gaya ng Baguio, ang nagrereserba ng biyahe para sa Holy Week.

Anang LTFRB, magpapakalat sila ng mga personnel sa PITX ngayong Mahal na Araw upang magbigay pa ng special permits para sa karagdagang bus units, kung kakailanganin.

Samantala, inaasahang mag-iinspeksiyon naman ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga pampasaherong bus upang masigurong nasa maayos na kondisyon ang mga ito bago ibiyahe.

Maging ang mga bus drivers ay isasailalim din nila sa pagsusuri upang matiyak na wala sila sa ilalim ng impluwensiya ng alkohol o ilegal na droga sa kanilang pagmamaneho.

Una nang inianunsiyo ng pamahalaan na magkakaroon ng long weekend sa susunod na Linggo matapos na ideklara ang Abril 6 (Huwebes Santo) at Abril 7 (Biyernes Santo) bilang regular holidays, habang ang Abril 8 (Sabado de Gloria) ay idineklara namang isang special non-working day.

Ang Abril 10 naman (Lunes) ay idineklarang isang non-working day bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan, na natapat sa araw ng Linggo (Abril 9).

vuukle comment

PITX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with