^

Metro

HVI, 2 kasabwat timbog sa P520K shabu, marijuana

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
HVI, 2 kasabwat timbog sa P520K shabu, marijuana
Stock image of methamphetamine crystal or also called 'shabu'.
Pixabay

Sa Mandaluyong buy-bust

MANILA, Philippines — Isang lalaking itinuturing na high value ­individual (HVI) at dalawa pang kasabwat, ang ­inaresto ng mga otoridad matapos na mahulihan ng higit P520,000 halaga ng shabu at kush sa buy-bust operation sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na natanggap ni Eastern Police District (EPD) Director PBGEN Wilson Asueta mula kay Mandaluyong City Police chief PCol. Gauvin Mel Unos, nakilala ang mga naarestong suspek na sina John Ivan Datu, 30; Ryan Christian Reyes, 24, ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City; at Lenber Garais, 19, na nakalista bilang HVI, na may standing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 na inisyu ni Restituto Ma­ngalindan Jr., presiding judge ng Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch 280.

Lumilitaw na dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Sierra Madre St., Brgy. Highway Hills na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Kaagad na dinakip ang mga suspek nang makabili ng shabu mula kay Datu, kapalit ng P1,000 marked money.

Nakumpiska mula sa kanila ang humigit kumulang sa 76.50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P520,200 at high grade marijuana o kush na nasa limang gramo at nagkakahalaga ng P7,000.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with