Presyo ng bigas, tumaas ng P2-P5 kada kilo - DA
MANILA, Philippines — Tumaas ng mula P2 hanggang P5 ang kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Batay na rin ito sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA),kung saan aabot na sa P60 kada kilo ang pinakamahal na bigas sa mga palengke sa Metro Manila.
Ang Imported Commercial Rice na Special ay nasa P50-P58 ang presyo; ang Premium ay P43-P52; ang Well-milled ay P40-P46 at ang Regular milled ay P37-P44.
Ang presyo naman ng Local Commercial Rice na Special ay nasa P48-P60; ang Premium ay P42-P49; ang Well-milled ay P38-P46 at ang Regular milled ay P34-P40.
Magugunitang kamakailan at inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang maabot ng bansa ang P20 halaga sa kada kilo ng bigas.
Ayon naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dulot ng mahal na pataba at langis.
- Latest