^

Metro

Haponesa na wanted sa panggagantso, ipina-deport

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naipa-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Haponesa na wanted sa kaniyang bansa dahil sa kinakaharap na mga kasong panggagantso sa Tokyo.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nai-deport na kahapon ng umaga sakay ng Japan Airlines patungong Narita, Japan ang suspek na si Risa Yamada, 26.

Una nang nadakip si Yamada ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit noong Enero 9 sa may Roxas Blvd. sa Pasay City makaraang tukuyin ng gobyerno ng Japan na isa ito sa wanted sa kanilang bansa.

May warrant of arrest ito buhat saTokyo Summary Court noong Setyembre 15, 2022 nang sampahan siya ng kasong theft sa korte.

Nabatid na kasabwat ang iba pa sa kanilang sindikato, sangkot si Yamada sa pagnanakaw ng mga datos ng mga ATM cards ng kanilang mga biktima na kanilang nagantso nang magpanggap siya na tauhan ng bangko habang ang iba ay nagpapanggap na mga pulis.

Isa na ring undocumented alien si Yamada nang arestuhin makaraang kanselahin na ng gobyerno ng Japan ang kaniyang pasaporte.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with